Negatibo epekto sa Pilipinas

Tumataas ang temperatura sa West Philippine Sea.

Walang 24-oras matapos sabayang ianunsiyo ng pinagsanib na pwersa ng Pilipinas at EstadosUnidos – kasama ang mga bansang Japan at Australia na magsasagawa ng joint military exercises sa ‘exclusive economic zone’ ng Pilipinassa WPS ang China naman ay ipinakita nito angkanyang pwersa.

Agad, ayon sa ulat, ang Chinese People’s Liberation Army (PLA)- Southern Theater Command ay naglatag ng kanilang “joint naval and air combat patrols” sa South China Sea.’

Ipinakikita lamang ng mga development na itokung gaano ‘ka-volatile’ ang sitwasyon sa lugar.

Announcement pa lamang ito ang ‘joint military drills’ pero tignan naman natin ang reaksiyon ng China sa mga pangyayari.

Patunay lamang ito, na anumang aksiyong-militarsa WPS/SCS na sa tingin ng Beijing ay makaka—apekto ito’y tatatapatan o higitan pa!

Ayon sa Beijing anumang “military activities” namaaring magpagulo sa sitwasyon at magpapataasng tensiyon sa rehiyon ay hindi papayagan.

Ayon naman sa joint statement ng Pilipinas at Estados Unidos kasama ang Japan at Australia,ang

Maritime Cooperative Activity (MCA) sa loob mismong EEZ ng Pilipinas ay para sa mapayapa at matatag na Indo-Pacific region at pagtataguyod satinatawag ng ‘freedom of navigation.’

Sa tingin ko mas lamang ang negatibong epektopara sa Pilipinas ng ‘military drill’ sa pangungunamismo ng US at mga kaalyado nito.

Ayon nga kay Prof Rommel Banlao, isang security expert, sa panayam ng Teletinig ng AbanteTeletabloid, ang mga nangyayari ngayon sa reyihonay “effort siya kasi ng mga western powers na i-establish ang presence nila sa Indo-Pacific ”region.

Ang mga ganitong sitwasyon ay maaringhumantong lamang sa gulo at hindi ito maganda saPilipinas.

Military drills pa lamang, pero ang mga aksiyon at kontra-aksiyon ay magnet na sa komprontasyongmilitar at negatibo ang epekto nito sa mga bansasa rehiyon ng Asya at Pasipiko, partikular saPilipinas.

Ayon nga kay Banlaoi, ang buong mundo ay ayawng kaguluhan at maraming effort na ang ibangbansa na ang focus ay economic development sahalip na mag-focus sa mga military issues.”

Ayon kay Banlaoi maging aral o babala ang resultang kaguluhan sa Ukraine.

Negatibo ang epekto sa kalakalan ng daigdig at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin angRussian-Ukraine war dahil sumawsaw ang mgawarmongers na nakikinabang kapag may gulo saanmang bahagi ng daigdig.

Ang sitwasyon sa WPS/SCS ay maaring magingmitsa ng kaguluhan na ang epekto ay hindimaganda para sa Pilipinas.

The post Negatibo epekto sa Pilipinas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments