Coco Martin partner na, ‘tatay’ pa ni Julia Montes

Sa isang exclusive interview, first time na naging open sina Coco Martin at Julia Montes tungkol sa kanilang relasyon.

Matatandaang matagal-tagal na rin simula nang aminin ng CocoJuls ang kanilang relasyon pero nananatili silang low-key about it at hindi nila ito masyadong pinag-uusapan sa mga panayam.

Sa latest videos sa YouTube channel ng CCM Film Productions ni Coco ay mapapanood ang panayam sa CocoJuls at nagsalita ng ilang detalye tungkol sa kanilang pagsasama.

Ayon kay Julia ay marami raw siyang natutunan kay Coco simula nang magkatrabaho sila 15 years ago.

“Ang dami kong natutunan sa buhay, kung paano mag-alaga ng trabaho, well guided ako. Hindi na ako nahirapang harapin lahat ng magiging struggles or parang humps sa buhay kasi nga meron nang nagga-guide sa akin.

“Kasi ang dami na niyang pinagdaanan, parang nai-impart niya ‘yung learnings niya na ‘wag ko nang pagdaanan. So, ang sarap ng ganu’n,” pahayag ni Julia.

Ayon naman Coco, natutuwa naman siya at nakikinig sa kanya si Julia at ganu’n din naman siya sa partner.
“Ako ‘yung naging tatay, kuya, kaibigan, best friend niya. Ang ikinaganda kay Juls kasi sa pagsasamahan namin, nakikinig siya sa ‘kin. And then, ako rin naman sa kanya, pag siya naman naga-advice sa akin, kung ano ang nakikita niya.

“Give and take ‘yung ikinaganda sa aming dalawa. Walang competition. Talagang kung ano ‘yung maitutulong namin sa isa’t isa, ano ‘yung maa-advice namin,” anang aktor.

Inamin din ni Coco na masaya siya sa piling ni Julia at gusto niya itong laging katabi at kasama sa lahat ng ginagawa niya.

“Sa buhay, ‘di ba, kailangan ang hinahanap mo, partner sa lahat ng ginagawa. Which is du’n ako masaya. At kung meron akong pupuntahan, parang feeling ko, hindi ako maligaya ‘pag hindi kami magkasama.

“Para bang may nami-miss ako na gawin na ‘sana, kasama ko si Julia,’ ‘sana, kung nandito ako, sana magkasama kami, sana nakikita niya rin ‘to,’” pag-amin ni Coco.

He also revealed na hindi naging madali bago sila dumating sa sitwasyon nila ngayon.

“Hindi madali. Matagal na proseso. Pero ngayon, sabi ko nga, dahan-dahan, nagagawa na namin ‘yun. Kapag naga-out of the country kami or minsan, naga-out of town,” sey niya.

Happy rin daw siya na naaabot na rin nila ang kanilang pangarap.

“Masaya kasi ‘yung mga pangarap namin sa buhay, dahan-dahan, paunti-unti, nakakamit namin na magkasama kami at nagtutulungan.

“Masaya ako kasi iba ‘yung pakiramdam na meron kang partner na alam mo na sinusuportahan, inaalagaan ka,” pahayag pa ni Coco.

Halata namang na-touch si Julia sa sinabi ng aktor base sa kanyang facial reaction.

The post Coco Martin partner na, ‘tatay’ pa ni Julia Montes first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments