Ilang pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang lumapit kay ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo upang iapela ang sobra-sobrang pananatili na ng kanilang kaanak na PDL sa New Bilibid Prison.
Ayon sa grupong Aid-Dalaw Nationwide International Movement (AIM), may 10,000 PDL sa NBP ang dapat laya na subalit patuloy na naghihimas ng rehas kahit tapos ng bunuin ang kani-kanilang sentensya.
Paliwanag ni Cong. Tulfo, “Ang reklamo nila tila hindi agad nare-review ang mga papel ng PDL na dapat ay lumaya na”. “
Ang problema din daw ay natetengga ang pagpirma ng release form ng PDL at hindi agad napipirmahan dahil sa dami na dapat na lumaya na rin”, ani Cong. Tulfo.
“Isang ginang ng AIM ang nagsabi na ang asawa niya ay nasentensyahan ng walong taong pagkakakulong dahil sa kasong homicide”, ani Rep. Tulfo.
Dagdag pa ng Deputy Majority Leader, “Sampung taon na raw ang mister niya at sobra na ng dalawang taon sa sentensya sa kanya”.
Dagdag pa ni Tulfo, “ Kung mapapalaya lang ang 10,000 na overstaying na PDL sa NBP, tiyak luluwag ang ating BuCor”.
Bunsod nito ay nangako ang mambabatas na iimbestigahan kung saan ang problema para maayos ang isyung ito.
The post Ilang PDL sa Bilibid sobra na binubuno na sentensiya first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments