TULOY ang angat ng Meralco sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup, ginawang pangatlong sunod na biktima ang San Miguel Beer 100-93 sa out-of-town game sa Candon City, Ilocos Sur Sabado ng gabi.
Pagkatapos kuryentehin ang panalo sa rematch ng Philippine Cup finals na pinagwagian din ng Bolts, mula 6th ay lumundag sa 4th ang squad ni coach Luigi Trillo sa 7-3 kabuhol ang No. 2 Converge, No. 3 Eastern at No. 5 NorthPort.
Namuno sa Meralco ang 26 points, 16 rebounds, 5 assists ni Akil Mitchell, panapal sa 4 turnovers niya sa 11 ng team. Apat na tres ang pinakawalan ni Chris Newsome tungo sa 20 points, umayuda ng 19 si Chris Banchero.
Malamig ang 1 of 7 shooting ni Bong Quinto pero namigay ng 8 assists sa loob ng halos 18 minutes.
Gumana muli ang depensa ng Bolts, nalimitahan sa below 100 ang San Miguel.
Kahit ang pang-apat na import na si Malik Pope, hindi napigil ang pagsadsad ng Beermen sa 4-5 sa 9th.
Mukhang ngayon lang nangyari na magkakasunod ang SMC teams sa 7th-9th – Ginebra (6-4), SMB at Magnolia (4-6).
Nag-debut si Pope sa tono ng 14 points, 9 rebounds, 2 assists, 1 steal, 1 block, may 2 turnovers sa 38 minutes. Pero 10 tira lang ang pinakawalan, 5 ang pumasok at pares ng free throws lang ang iniskor sa fourth quarter.
Si June Mar Fajardo, may 19 points na pagkatapos ng three quarters pero ang split sa stripe lang ang inilista sa final frame, kumalawit ng 13 boards.
Sinabayan ng 10 ni CJ Perez ang 13 ni Mitchell sa third na natapos na magkabuhol sa 80. Tumapos si Perez ng 16 points, may 14 pa si Don Trollano.
Na-outscore ng Bolts ang San Miguel 20-13 sa fourth nang tumikada ang Beermen sa 4 of 17 shooting lang sa period.
Naghatakan sa 6 deadlocks at 12 lead changes, magkabuhol sa 89 may 5:15 pa nang ilista ng Bolts ang next 7 games. Huling inilapit ng San Miguel 96-93 sa charities ni Pope pero hindi na umiskor sa final 2:03. (Vladi Eduarte)
The post Akil Mitchell, Meralco ‘nilasing’ SMB sa Ilocos first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments