Aware si Jeric Gonzales na maraming male star ang ibini-build up ng Kapuso.
Katunayan, hindi kaila sa kanya na may nabibigyan agad ng break at meron din namang natatagalan bago mapansin ng network.
“Alam naman nating maraming artista, pero iyong character o role na hinihingi ay konti lang. So ayun. Medyo nalilimitahan iyong chance na mapunta sa iyo,” bungad niya.
Gayunpaman, nilinaw naman niya na hindi siya nai-insecure sa newbies na nadadagdag sa roster ng talents ng nasabing network.
“Dinaanan ko rin naman siya noong nagsisimula pa lang ako,” aniya. “Actually, challenge para sa akin na may mga bagong artista sa GMA. Siguro, ang kailangan mo lang gawin ay mag-stand out at reinvent yourself,”dugtong niya.
Feeling din niya ay hindi naman siya napapabayaan ng kanyang mother network pagdating sa mga proyektong ibinibigay sa kanya.
Isa raw sa maipagmamalaki niya ay nang makasama niya ang magaling at talented dramatic actress na si Bea Alonzo sa “Widow’s War” na napapanood na rin sa Netflix.
Samantala, proud naman si Jeric dahil nakasama siya sa makabuluhang pelikulang “Fatherland” ng Bentria Productions ni Engr. Benjie Austria na palabas na sa mga sinehan. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan.
Kahit nakapagbida na sa “Broken Blooms” kung saan siya humakot ng maraming best actor awards locally at internationally, pumayag naman siya na maging kontrabida at support ni Inigo Pascual.
“Noong sinabi sa akin iyong role, nagustuhan ko siya. Gusto ko iyong character. Tapos noong malaman ko na si Direk Joel ang magdidirek at magagaling iyong mga aktor na makakasama ko, pumayag talaga ako,” ani Jeric. “Challenge kasi sa akin pag si Direk Joel ang direktor. We worked together in “Hustisya.” Bata pa lang ako. Gusto ko ulit siyang makatrabaho. Si Direk Joel kasi kahit may nagsasabing nakakatakot, lalabas talaga ang galing mo,” dugtong niya.
Nilinaw naman niya na kahit ilang beses na niyang nakatrabaho ang actor’s director ay never pa siyang natalakan nito.
“Wala pa namang ganoong insidente. Actually, after my scenes in “Fatherland”, natuwa ako kasi sabi niya ang ‘galing ko,’ lahad niya.
Tampok din sa pelikula sina Allen Dizon, Richard Yap, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Arabella Davao, Angel Aquino, Max Eigenmann, Jim Pebanco, Rico Barrera at Abed Green . (Archie Liao)
The post Jeric Gonzales keber na support ni Inigo Pascual first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments