Inihayag ni Zsa Zsa Padilla ang kaniyang pagkabahala sa sunod-sunod na pagkasawi ng mga mga mang-aawit.
Sa isang presscon, matapang na ibinahagi ni Zsa Zsa ang kaniyang naging karanasan nang isinailalim siya sa matagumpay na surgery dahil sa kaniyang defective left ureter, at umaasang huli na rin ito.
Kasabay nito ang kaniyang pahayag ng kagustuhan niyang i-celebrate ang kaniyang anniversary sa showbiz industry.
Aniya, dapat lang itong ipagdiwang, lalo na ngayong sunod-sunod ang pagpanaw ng mga performer at singer tulad nina Pilita Corales at Hajji Alejandro na pawang mga idolo niya.
Dahil din umano sa pagkabahala, ikinuwento ni Zsa Zsa ang kaniyang pangungumusta sa kalusugan ng kapwa niya mga hurado sa ‘Tawag ng Tanghalan’ sa ‘It’s Showtime’ na sina Nonoy Zuñiga at Marco Sison.
“Natatawa rin sila. Sabi nila, ‘Huwag ka nang mapraning.’ Sabi ko, ‘Nakakapraning e, alam mo na, nagsunod-sunod naman kasi,’” kuwento pa ni Zsa Zsa. (Angelica Mallilin)
The post Zsa Zsa Padilla napraning sa mga pumanaw na singer first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments