Bagong Angel Locsin?Mika Salamanca trending sa pagtulong

Ang daming naka-miss kay Angel Locsin ngayong bagyo, ha! ‘Di ba nga, palagi kasing nangunguna noon si Angel sa paggawa ng paraan, pagbibigay donasyon, pagbibigay impormasyon tungkol sa bagyo.

At ngayon nga ay miss na miss siya ng mga faney, dahil nakasanayan na talaga na kapag may sakuna, ang real life ‘Darna’ na tulad niya ang madalas makita. Well, nakatutuwa rin namang makita ang ibang mga artista na tumutulong sa mga biktima ng bagyo.
Tulad nga nina Mika Salamanca at Will Ashley, na tumulong sa ibang grupo na maghiwa, magluto, magbalot ng mga pagkain, para sa mga biktima ng bagyo.
Sa ganitong paraan nga, mas nai-inspire ang ibang mga tao, tulad ng mga faney nila, na magpaabot din ng tulong.

May iba nga na nagtatanong kung paano rin sila makakatulong, hindi man sa pinansiyal na paraan, kundi sa paraan na puwede nilang ibigay, tulad nga ng pagbabalot ng mga ayuda, o paghihiwa ng mga sangkap. Well, sa ganitong panahon, mas unahin din sana ng ibang artista ang umayuda sa mga biktima, kaysa mag-TikTok ng mga kaartehan nila! Kaloka! (Dondon Sermino)

The post Bagong Angel Locsin?Mika Salamanca trending sa pagtulong first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments