Isa sa mga nabuong pampakilig sa loob ng bahay ni Kuya ay sina Ralph de Leon at AZ Martinez. Tinatanong tuloy ng mga fan kung ano ba talaga ang status nilang dalawa dahil nakikitang very close na ang dalawa .Maging sa kanilang social post ay nakikitang very sweet ang AzRalph.
Hindi man nagbigay ng eksaktong label, ibinahagi ni Ralph na napakaespesyal para sa kanya ni AZ mula pa noong lumabas sila sa Bahay ni Kuya.
“Very special talaga si AZ sa akin. We’ve really built a deeper connection ever since nu’ng paglabas ng Bahay ni Kuya,” aniya
Kuwento pa ni Ralph na mas nakilala niya nang husto si AZ sa nakalipas na limang buwan matapos ang kanilang journey sa loob ng bahay ni Kuya.
Ibinahagi niyang mas madalas silang nagkakasama at nagkakausap, kaya mas lumalim ang kanilang samahan.
“Honestly sa akin, Tito Boy, very special talaga si AZ sa akin… Through the course of those five months, I’ve gotten to know her very well. We really spent a lot of time together,”dagdag niya habang kinikilig.
“We’re friends, Tito Boy,” paglilinaw ni Ralph.
Pinare-rate din ni Tito Boy ang status nila mula one hanggang ten, kung saan ang ten ay nangangahulugang “in a relationship.”
Dito, mas naging intriguing ang sagot ni Ralph: nasa seven or eight na raw sila ni AZ—isang indikasyon na may namumuong mas malalim pa sa pagkakaibigan.
Kabilang si Ralph sa MMFF 2025 entry na “Love You So Bad,” na pinagbibidahan nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca De Vera. Mapapanood ang pelikula simula December 25 sa mga sinehan.
The post Ralph de Leon very special si AZ Martinez first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments