Inaasahang mahahakbangang din ni Women’s Tennis Association world No. 49 Alexandra “Alex” Eala si Himeno Sakatsume sa 1st Philippine Women’s Open WTA 125 Round of 16 sa Rizal Memorial Tennis Center ngayong Miyerkoles.
Target ang quarters, makakatapat ng 20-year-old Pinay netter at Globe Ambassador sa Last 16 sa nabanggit na Manila playing venue rin si Sakatsume na pinostrehan ng 6-3, 7-5 win ang kapwa Japanese na si Nao Hibino nitong Martes ng gabi.
Tagumpay si event second seed Eala sa debut sa pro career sa bansa nang dominahin
noong Lunes ng gabi si Alina Charaeva ng Russia, 6-1, 6-2.
Naatang na lang sa balikat ng top Philippine Tennis Association bet ang laban ng bansa sa limang artaw na torneo na suportado ng Philippine Sports Commission.
Ito’y makaarang umeksit na rin si Kaye Emana na yumukod sa inulang pangalawang araw ng torneo laban kay world No. 174 Russian Tatiana Prozorova, 0-6, 1-6.
Kontrolado ng dayuhan ang paluan na inabot lang ng 42 minutes laban sa kulang sa karanasang wildcard Pinay.
Nakabara sa Ruso sa next round si top seed Tatjana Maria ng Germany na tinibag si Leolia Jeanjean ng France, 7-6 (7-5), 6-4.
Nagbabu na rin noong Lunes sina Elizabeth Abarquez at Tenny Madis sa magkahiwalay na karibal din sa torneo.
Halos alas-5:00 ng hapon na nagsimula ang Day 2 action ng netfest makaraang ulanin na nag-umpisa sa alas-2:00 ng hapon. (Abnte Tonite Sports)

The post Alex Eala asinta ang Last 8 kontra Himeno Sakatsume first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments