Leila de Lima sasampolan 18 dating sundalo sa kasinungalingan

Ikinokonsidera ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na sampahan ng kaso ang 18 dating sundalo para matigil ang ginagawang paninira ng mga ito.

Ito ang nabatid kay De Lima matapos sabihin ng 18 ex-Marines sa kanilang affidavit na kasama si De Lima sa mga dinalhan ng maleta mula sa kickback umano ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa flood control projects.

“Sabi ko nga kanina ayaw ko nang patulan `yan because that is diversionary…it’s a swift diversionary tactics para ma-divert ang usapin nitong usapin sa ICC (International Criminal Court) at etong impeachment proceedings, formal impeachment proceedings next week,” ani De Lima.

“Pero may mga nagsasabi sa akin na huwag ko daw palagpasin. So again I’m consulting my lawyers now dahil nakakaistorbo ito dahil busy na kami ngayon sa pagpe-prepare sa impeachment proceedings and other imported House related matters,” dagdag pa ng mambabatas.

Sayang umano ang oras kapag pinatulan ang wala aniyang mga basehang alegasyon subalit ikokonsidera niya ang payo ng mga kanyang mga abogado at ibang kaibigan.

“Sampolan daw ang mga ganyan na kasinungalingan na sinasabi nila tungkol sa akin, bakit naman ako dinamay dyan,” sabi ni De Lima. (Bernard Taguinod)

The post Leila de Lima sasampolan 18 dating sundalo sa kasinungalingan first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments