Walang senyales ang hindi pa natatalong Criss Cross na magmenor sa dominadong pag-usad sa 9th Spikers’ Turf 2026 Open Conference 2nd round elims.
Isang malaking bahagi ng tagumpay ng King Crunchers ang napakahusay na paglikha ng laro ni setter Adrian Villados, na perpektong kumokontrol sa kampo.
Siya ang may mahalagang papel sa pagpapanatiling malinis ang King Crunchers sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.Pinangunahan niya ang opensa sa dalawa pang panalo upang mapabuti ang pinakamahusay na rekord sa 7-0.
Dahil sa kanyang kalmadong pamumuno at mahusay na paglalaro, si Villados ang kinilala nitong Lunes bilang Player of the Week-Pilipinas Live ng Spikers’ Turf Press Corps para sa Marso 9-13.
Unang nagtala ang talentadong playmaker ng 12 excellent sets sa dominanteng panalo ng CC, 25-17, 25-18, 25-13 laban sa Alpha Insurance noong Miyerkules sa FilOil Playtime Centre sa San Juan.
Pakitang gilas ang produkto ng Arellano University sa pinakamahusay na pagganap sa nakaraang linggo, nagbigay ng napakalaking 39 excellent sets upang makamit ang isang tagumpay sa four-set laban sa Savouge Aesthetics, 25-21, 25-19, 20-25, 25-19, noong Biyernes.
Sa kabila ng lumalaking kumpiyansa sa isang sweep ng preliminaries, giit ni Villados na nakatuon pa rin ang koponan sa pagkuha ng bawat laban nang paisa-isa.
“Sa amin, hindi talaga namin iniisip ang sweep. Ang focus namin ay isang laro sa isang pagkakataon,” saad niya.
“Bilang setter, trabaho ko na siguraduhin na kalmado at composed ang team sa loob ng court. Laging mindset namin ng mga teammate ko na sundin lang ang system namin at magtiwala sa preparation na ginawa namin sa training. Ang mahalaga sa amin ay ang consistent na performance sa bawat laro para mas mapalapit kami sa ultimate goal.
Binanggit din ni Villados ang kahalagahan ng pagpapalawak ng opensa at pagtiyak na lahat ng mapanganib na manlalaro ng Criss Cross ay kasali, na napatunayang isang mahalagang salik sa walang talong takbo ng koponan.
“Importante talaga sa setter ‘yung pagbabasa ng laro. Tinitingnan ko kung sino ang may magandang ritmo at kung saan kami may advantage laban sa blockers ng kalaban,” dagdag niya.
“Sinisigurado ko rin na lahat ng hitters namin ay nakakakuha ng touches para manatili silang confident at involved sa offense. Komunikasyon din sa court at sa training para alam ko kung anong klaseng set ang komportable sa bawat spiker at middle.”
Dinaig n Villados ang tropang sina Alche Gupiteo, Jay Rack Dela Noche at Jared Schnake ng AEP-Cabstars, John Vincent Ramos at Christhian Olaes ng 3B, sa lingguhang parangal, na pinagtibay ng mga mamamahayag sa print at online na kumo-cover sa pangunahing liga sa bansa.
Habang nasisiyahan sa momentum ng koponan, sinabi ni Villados na determinado ang KC na manatiling matalas habang itinutulak ang pinakamataas na layunin sa komperensyang ito.
“Malaking boost talaga ang magandang performance, pero para sa akin, team effort pa rin lahat ng nangyayari sa court,” sey niya.
“Gagamitin ko ng confidence na iyon para maging mas vocal at mas steady sa decision-making habang nagse-set. Ang goal ko lang lagi ay ilagay ang teammates ko sa best position para makapuntos at matulungan ang team na umabot hanggang dulo ng tournament.
Atat si Villados at ang King Crunchers na panatilihin ang walang kaparis na rekord kapag hinarap ang Cabstars sa Miyerkoles sa parehong lugar.
Ang mga laban ay mapapanood sa Pilipinas Live app at sa www.spikersturf.ph. (Abante Tonite Sports)
The post Adrian Villados itinalagang tigasing balibolista ng STPC first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments