Kampanya Kontra Illegal Bookies

Nakakainsulto sa taumbayan ang paulit-ulit naeksena: raid ng pulisya, ilang pag-aresto, tapos balik agad ang sugalan kinabukasan. Para bang ginagawang palabas ang pagpapatupad ng batas. Kung ganito ang sistema, malinaw na hindi lang mga mananaya ang may sala—kundi ang mgaopisyal na pumapayag na magpatuloy ang iligal nasugal sa mismong harap ng kanilang mgatanggapan o nasasakupan.

Ang STL ay itinatag bilang legal na alternatibo. Pero sa mga lalawagian tulad sa Pangasinan at karatig-probinsya, lumalago ang tinatawag na“parallel gambling economy.”

Ibig sabihin: may mga nakikinabang sa iligal nasistema, at ang masaklap may mga lider nanagbubulag-bulagan. Kung hindi sila kumikilos ay baka sila mismo ang nagiging protektor ng mgaillegal bookies.

Ayon sa Presidential Decree 1602 dapat parusahanhindi lang ang operator at mananaya, kundi pati narin ang mga nagbibigay-proteksyon. Kung ang mgadrayber ng traysikel at mga manggagawangarawan ang kita ay nahihikayat sa sugal, sino ang tunay na dapat managot? Hindi ang ordinaryongtao na naghahanap ng aliw, mga tumataya na nag-aasam na baka madoble ang pisong itinaya, kundiang mga opisyal na kumukupkop sa mga illegal bookies.

Kung turismo at kabataan ang pag-uusapan, walang puwang ang sugalan. Pero paanomaaasahan ng komunidad kung mismong mgalokal na pamahalaan ay walang tapang na sugpuinang bisyo? Ang kabataan ay dapat hinihikayat samakabuluhang gawain, hindi sa bisyong walangsaysay. Ang sugalan ay hindi lang laro—isa itongsalamin ng kawalan ng malasakit ng pamahalaansa kinabukasan ng bayan.

Kung hindi kikilos ang mga lokal na opisyal, sila rinang dapat managot sa pagkabulok ng lipunan. Ang sugalan sa liwanag ng araw ay hindi lang krimen, ito ay patunay ng gobyernong mahina at walangpaninindigan. At habang patuloy silangnagbubulag-bulagan, ang komunidad ay patuloy nanalulugmok sa bisyo at kahirapan.

The post Kampanya Kontra Illegal Bookies first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments