Maraming inilahad na rebelasyon si Megan Young nang maging panauhin siya sa isang podcast.
Aniya, noong beauty queen days daw niya ay masasabing very competitive siya.
Hirit pa niya, lagi raw niyang bet i-achieve na she’s on top of her game.
Sa pagiging kontesera, importante raw ang pagiging ismarte para hindi napag-iiwanan.
Sa pagbabalik-tanaw niya, ibinahagi rin niya ang hindi niya makakalimutang karanasan kasama sina Pia Wurtzbach at isa pang beauty queen.
Ito raw iyong panahon na rumampa sila sa isang event abroad.
Naranasan daw nilang okrayin ang kanilang mga suot na barong ng mga dayuhan na para sa kanya ay embarrassing experience.
Isa raw naman sa hindi alam ng publiko sa kanya noong beauty queen pa siya ay ang pagiging gamer niya.
Sa ngayon, keber na lang daw siya kung sabihing adik siya sa gaming dahil sa totoo lang ay enjoy siya sa paglalaro.
Hirit pa niya, nakaranas din daw siya ng bashing noon.
Katunayan, may mga nag-akusa raw sa kanilang baog dahil natagalan bago sila nagkaroon ng baby ni Mikael Daez.
Choice raw nila noon ng hubby ang i-defer ang planong magkaanak dahil naniniwala silang ang lahat ay mangyayari sa tamang panahon.
Sobrang thankful din siya sa mister dahil naging patient ito sa panahon ng kanyang pregnancy at maging panganganak na naging challenge sa kanya.
Para sa kanya, wala ring kapares na ligaya ang pagiging ina na aniya ay mas mahalaga pa sa anumang korona o titulo sa mundo.(Archie Liao)
The post Megan Young inakalang baog first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments