VP Sara Duterte tatadtarin ng imbitasyon sa impeachment

Paulit-ulit umanong padadalhan ng imbitasyon ng House Committee on Justice si Vice President Sara Duterte upang mabigyan ito ng pagkakataon na masagot ang mga alegasyon laban sa kanya hanggang sa matapos ang pagdinig sa impeachment na inihain laban sa kanya.

Ayon sa chairperson ng komite na si Batangas Rep. Gerville Luistro wala pa itong natatanggap na kumpirmasyon na dadalo si Duterte sa pagdinig sa Miyerkoles, Marso 25.

Kung hindi dadalo, sinabi ni Luistro na muling pagdadalhan ng imbitasyon ng komite ang Bise Presidente.

“Hangga’t hindi natatapos ‘yung hearing proper, we will keep on sending invitation to her so that at any point of the entire hearing proper she can actually come,” sabi ni Luistro.

Mayroong pagdinig ang komite sa Abril 14, 22, at 29.

Ayon sa mambabatas, ang mga complainant ay papayagan na magpresinta ng kanilang mga ebidensya at testigo. Susundan ito ng paglalahad ni Duterte ng kanyang mga ebidensiya at testigo upang kontrahin ang mga alegasyon.

Sinabi ni Luistro na ang pagdinig ay isang magandang pagkakataon para mapatunayan ni Duterte na siya ay inosente sa mga alegasyong ipinupukol sa kanya. (Billy Begas/Bernard Taguinod)

The post VP Sara Duterte tatadtarin ng imbitasyon sa impeachment first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments