Matapos mag‑viral ang kanyang hinaing tungkol samataas na electric bill, nilinaw ng actress‑content creator na si Cacai Mitra na wala siyang galit sa Meralco. Ayon sa kanya, nagulat lamang siya sasunud‑sunod na pagtaas ng kanilang konsumo at hindi niya inaasahang magiging viral ang kanyangrant.
“Nag‑post po ako para mag‑vent, hindi ko naman akalain na mag‑viral,” ani Cacai sa kanyang social media update.
Agad namang nakipag‑ugnayan ang Meralco at sinuri ang kanyang account at metro. Base sakanilang pagsusuri, tama ang reading at consistent sa dati nang mataas na konsumo ng pamilya niCacai. Ipinaliwanag ni Meralco spokesperson Manong Joe Zaldarriaga na walang nakitangabnormalidad sa kanyang bill at nag‑alok pa sila ng technical survey para mas masuri ang property.
Ayon pa kay Manong Joe, maliit na bahagi lamangng kabuuang bill ang napupunta sa distribution charge, habang mas malaking porsiyento ay mulasa generation charge, transmission charge, system loss, at mga buwis na ipinapasa ng pamahalaan. Kaya naman, ayon kay Cacai, mas marami siyangtanong hinggil sa system loss at taxes kaysa samismong singil ng Meralco.
Isa pang hiling ni Cacai ay ang paglipat samababatang lugar ng metro ng kuryente nakasalukuyang nakalagay sa mahigit tatlongmetrong taas upang mas madali nilangma‑monitor. Positibo umano ang naging tugon ng power distributor dito.
Tinugon din ni Cacai ang mga netizen na paulit‑ulitna nagmumungkahi ng paggamit ng solar power. Aniya, matagal na nila itong kinokonsidera at may mga proposal na silang natatanggap mula sa iba’tibang providers.
Gayunman, kailangan pa nilang tiyakin kung kakayanin ng kanilang bahay ang bigat ng maraming solar panels na kakailanganin para masalo ang malaking bahagi ng kanilang konsumo.
Sa kanyang trademark na pagbibiro, idinagdag pa ni Cacai: “Gusto ko din mag‑aircon ng 24/7 no!”
Sa huli, malinaw na para kay Cacai ang tunay nadahilan ng kanilang mataas na bill. Ang kanyangrant ay naging paalala na mas madalas nauunaang reklamo sa social media bago ang pormal napag‑report. Mabuti na lang at naipaliwanag na ang lahat—at ngayon, all is well with Cacai.
The post Klaro na ang Isyu sa Kuryente first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments