Pamumunuan ni Bianca Isabel Pagdanganan ang anim na pambato ng ‘Pinas na papalag sa Four Winds Invitational sa Blackthorn Golf Club sa South Bend, Indiana sa Biyernes (Sabado, Hulyo 10 sa Manila).
Hahambalos din ang mga kakuwadra niya sa International Container Terminal Services, Inc. na sina Dottie Ardina at Pauline Beatriz Del Rosario.
Gayundin sina Clarissmon ‘Clariss’ Guce, Samantha ‘Sam’ Bruce at Tomita ‘Tomi’ Arejola sa 54-hole, 3-day golfest, nagsisilbing ika-11 yugto sa may 19-leg 46th Epson Tour 2026 na kilala ring LPGA Developmental Tour.
Ito na ang ikapitong ET event ngayong taon ni two-time Olympian Pagdanganan, na ang best finish ay tie 10th place sa Reliance Matrix Championship noong May 10 sa Nevada, at lahat walang mintis sa cut
Si Ardina sa nakaraang 10 may tatlong sablay sa cut at T10 din ang highest finish.
Samantalang ang nakasiyam na torneong si Del Rosario – anim na hindi umabot sa cut, at ang best finish ay T9.
May dalawang hindi pag-abot sa cut sa naraang 10 na rin si Guce at ang pinakamataas na tinapos ay T17.
Si Arejola sa 10 events ay may 4 cuts made at 41st place ang highest finish, habang si Bruce naka-2 cuts made pa lang na may T25 spot sa 9 starts. (Ramil Cruz)
The post Bianca Pagdanganan, 5 pa kakakayod sa ‘Four Winds’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments