Clariss Guce top Pinay sa 4 Winds Invitational

Nagtala si Clarissmon ‘Clariss’ Guce ng final round 69 pero lumanding lang sa 9-way tie 34th place sa $225K (P13.9 milyon) 11th Four Winds Invitational sa Blackthorn Golf Club sa South Bend, Indiana nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Bumawi siya mula sa isang maagang bogey, naka-apat na birdie para sa pinakamababang iniskor sa tatlong araw tungo isang kabuuang 211, at lumitaw bilang pinakamahusay na nag-perform sa anim Pilipina sa torneo na may kalakip na $1,546 (P95,000).

Landing sa quadruple T43rd sa 212 makaraang mag-71 si Tomita ‘Tomi’ Arejola na may $1,232 (P75K) sa 3-day golfest na nagsilbing ika-11 sa may 19 na yugtong 46th Epson Tour 2026, kilala ring LPGA Developmental Tour.

Nadapa naman si Bianca Isabel Pagdanganan, nanatiling contender nang maka-69 sa halfway mark, sa 75 pa-215 at bumulusok sa tatlong magkakabuhol sa ika-55 puwesto na may $896 (P55K) ang suportado ng ICTSI.

Binirdie ng Amerikanang si Haylee Harford Sanchez ang huling dalawang butas upang makumpleto ang isang hanep na 9-under 63 at 201, wagi ng dalawang palo kay Megan Streicher ng South Africa (65, 203) at isubi ang $33,750 (mahigit P2M).

Tumersera si Chinese Liqi Zeng 205 makalipas ang 68.

Babalik ang tatlong Pinay kasama ang mga sumablay sa Leg 11 cut na sina Dottie Ardina, Pauline Beatriz Del Rosario at Samantha ‘Sam’ Bruce sa $250K 2nd Greater Toledo Classic sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio sa July 17-19. (Ramil Cruz)

The post Clariss Guce top Pinay sa 4 Winds Invitational first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments