DTI kinalma mga konsyumer sa taas-presyo ng petrolyo

Wala pang epekto sa mga pangunahing bilihin ang inaasahang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, mananatili sa dating presyo ang mga bilihin sa kabila ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis.

Aniya pa, wala pa silang natatanggap na kahilingan mula sa mga manufacturer para sa price adjustment ng kanilang mga produkto.

Mas mabuting hintayin muna ang mga susunod na kaganapan bago magbigay ng anumang pagtataya sa magiging epekto ng oil price hike sa mga bilihin, sabi pa ni Roque.

Patuloy namang binabantayan ng DTI ang sitwasyon upang matiyak na mananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing produkto sa merkado.

Una nang inanunsyo ng DOE na magkakaroon ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. (Chill Emprido)

The post DTI kinalma mga konsyumer sa taas-presyo ng petrolyo first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments