Inflation bumagal nitong Hunyo

Bumagal ang inflation ng Pilipinas nitong Hunyo kasunod ng pagbagal ng pagtaas ng presyo ng transportasyon at pagkain.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba sa 6.4% ang headline inflation nitong Hunyo 2026 mula 6.8% noong Mayo. Lampas pa rin ito sa target na 2-4%.

Dahil dito, umabot sa 4.8% ang average inflation mula Enero hanggang Hunyo.

Ang inflation ang bilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Noong Hunyo 2025, 1.4% lamang ang inflation.

Sinabi ng PSA na pangunahing dahilan ng pagbaba ang mas mabagal na pagtaas ng gastos sa transportasyon, na umakyat ng 12.8% noong Hunyo mula 16.2% noong Mayo.

Bumagal din ang pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa 5.2% mula 5.7%. Humina rin ang inflation sa furnishings, household equipment at routine household maintenance sa 3.7% mula 3.9%. (Eileen Mencias)

The post Inflation bumagal nitong Hunyo first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments