Viral ang isang Facebook reel na nagpaliwanag si Oyo Boy Sotto kung bakit di nila bet makatrabaho ang kanilang exes.
May mga katkatera at sawsawera kasi na nang-uurot sa kanila.
Aniya, bagamat ang ibang couple ay game raw sa ideya, iba raw naman ang kanilang pananaw.
“Gusto ko rin mapag-usapan ‘to eh. Kunyari, yan, nasa showbiz, ‘di ba? So nag-asawa na. Tapos, daming nagtatanong bakit daw hindi ulit gumawa ng project, together, mga ganyan-ganyan. Work lang naman daw yun,” lahad niya.
Dagdag pa niya, napagkasunduan na raw nila ng misis ang tungkol sa bagay na ito.
“Buti na nga lang, kami ni Tin, we both agree. It’s our own personal conviction na ayaw na naming makatrabaho din yung mga ex namin, sa totoo lang,” esplika niya.
Hirit pa niya, isa sa mga rason sa pagtanggi ay ang mga eksenang puwedeng i-require sa kanila bilang aktor.
Sey pa niya, di rin daw niya feel na makita na may kissing o love scenes ang kabiyak sa ibang lalake lalo na’t kung ang nasabing leading man ay ex ni Kristine.
“Kasi number one, it’s dangerous. Siyempre, kung kunyari, lagyan kayo ng bed scene, kissing scene. Parang ako, sa asawa ko, parang ayoko naman na nakikita ko na may kahalikan na ibang lalaki yung asawa ko,” paliwanag niya.
Sumang-ayon naman si Kristine sa pananaw ni Oyo Boy.
Gayunpaman, nilinaw niya na personal choice nila as married couple ang naturang hakbang na posibleng taliwas naman sa views ng iba.
Dugtong pa niya, paraan din daw ito para protektahan ang kanilang marriage.
Tungkol naman sa ex ni Kristine, nagkaroon na raw siya ng pagkakataon na na maka-engkuwentro ito.
Nilinaw naman niya na binati niya ito at hindi dinedma. (Archie Liao)
The post Kristine, Oyo ayaw nang makatrabaho ang mga ex first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments