Misis tinaga sa ulo ng adik na mister

Halos maputol ang ulo ng 20-anyos na babae matapos pagtatagain hanggang sa mapatay ng adik na mister sa Sitio Baluno, Barangay Salaan, Zamboanga City, nitong Miyerkules ng umaga.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang katawan ang biktimang si Roselyn dela Cruz, at halos lumaylay ang ulo na agaran nitong ikinasawi.

Arestado naman ang asawang si Jonel na umamin na gumagamit ng ilegal na droga, ngunit iginiit na selos ang nagtulak sa kaniya na gawin ang krimen.

Batay sa imbestigasyon, nagalit si Jonel matapos tumanggi ang kanyang asawa na sumama sa kanya pauwi habang naglalaba ito sa bahay ng kanyang mga magulang.

Sa matinding galit, kumuha ang suspek ng itak at pinagtataga ang kanyang asawa.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. (Dolly Cabreza)

The post Misis tinaga sa ulo ng adik na mister first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments