Bagong NU, UST rivalry kukulo muli sa V-L Collegiate Challenge

Mga laro ngayon

(Gameville Central Park)

10 am – CSJL vs AU (W)

12 nn – CSB vs UE (W)

3 pm – CSJL vs AU (M)

5 pm – NU vs UST (M)

Sa unang pagkakataon mula sa 88th UAAP Final Four, muling magkikita ang National University at University of Santo Tomas, sa pagkakataong ito sa 4th V-League Men’s Collegiate Challenge ngayong Sabado, Aug. 15 sa Gameville Central Park sa Mandaluyong.

Magpaparadaq ng isang buo at hindi nabagong roster ang reigning UAAP champion, gigiyahan nina Leo Ordiales, Buds Buddin, Choi Diao, Peng Taguibolos, at Jade Disquitado.

Aangas sa Golden Spikers kina Trevor Valera, Rey De Vega, at JJ Macam, na atat makabawi sa Bulldogs sa paliga ng Sports Vision Management, Inc.

Pero wala sa España-based squad si Josh Ybañez dahil sa tungkulin sa Alas Men.

Ang isa pang serve ng bungguang NU-Uste nakatakdang pumalo sa sa alas-5:00 ng hapon, pagkalipas ng all-NCAA game ng Letran at Arellano sa alas-3:00 ng hapon.

Ang mga laban ng kababaihan magtatampok sa Colegio De San Juan De Letran-Arellano University sa ganap na alas-10:00 ng umaga , kasunod ang College of Saint Benilde-University of the East match sa alas-12:00 ng tanghali.

Magkakaroon ng double-header para sa NU, UST, at Letran, dahil maglalaro rin ang tatlong paaralan bukas (Linggo). Toka sa Golden Spikers ang Knights sa alas-3:00 ng hapon, kasunod ang pagbabalik ng De La Salle University laban sa Bulldogs.

Makikita sa mga kababaihan sa Linggo ang aasinta back-to-back V-L title Adamson University-University of Perpetual Help sa alas-10:00 ng umaga, at UST Golden Tigresses, ang kampeon noong 2024, na kasagupa ang San Beda University.

Magsisimula ang torneo sa round-robin format prelims. Bawat araw ng laro magkakaroon ng tigalawang laban ng mga lalaki at babae.

Ang mangungunang apat na koponan sa bawat dibisyon ang aabot sa best-of-three semifinals. Ang No. 1 seed haharapinin ang No. 4 seed, habang ang pangalawang ranggo na koponan makakalaban ang pangatlong team.

Ang finals ay best-of-three format, habang ang laban para sa ikatlong pwesto ay winner-take-all lang. (Abante Tonite Sports)

The post Bagong NU, UST rivalry kukulo muli sa V-L Collegiate Challenge first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments