BBM inakusahang isinuko yamang mineral sa mga mining firm

Tinawag na “wholesale surrender” ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang Executive Order No. 122 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbibigay-daan umano upang pakinabangan ng malalaking mining companies ang yamang mineral ng bansa.

Nagbabala si Tinio na ang EO 122, na nagtatatag ng pambansang policy framework para sa pagpapaunlad ng critical minerals industry, ay magreresulta sa malawakang pagpapalayas sa mga magsasaka at Indigenous peoples.

Sinabi ni Tinio na babaguhin ng EO 122 ang Mining Industry Coordinating Council at ilalatag ang pundasyon para sa mas mabilis na privatization ng mga mining asset na pag-aari ng gobyerno at pagpapasimple ng mga mining permit.

Ayon sa mambabatas, ang mga probisyon ng EO hinggil sa national exploration at mineral reservation, mahigpit na pagpapatupad ng “Use It or Lose It” policy, at pinabilis na pribatisasyon ng mga mining asset na pag-aari ng gobyerno ay magpapadali sa pagpasok ng large-scale mining sa hindi bababa sa 9 milyong ektarya ng mga prospective area, na nagbabanta sa mga lupang agrikultural at ancestral domain. (Billy Begas)

The post BBM inakusahang isinuko yamang mineral sa mga mining firm first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments