Palasyo: Walang atrasan sa pagtugis kay Bato dela Rosa

Hindi uurong ang pulisya sa paghuli kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa at walang oras na dapat sayangin sa pagpapatupad ng batas, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.

“Mas mabilis at agresibong pagkilos ng mga pulis, `yan ng utos ng Pangulo. Ipatupad ang batas at hulihin ang dapat na hulihin,” ani Castro nitong Sabado, Oktubre 24.

Sinisi rin ni Castro ang umano’y pagtulong kay Dela Rosa na makalabas sa gusali ng Senado sa halip na isuko siya kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary. Jonvic Remulla, na aniya’y dahilan kung bakit umabot sa P50 milyon ang pabuya sa paghuli sa senador.

“Walang dapat mamatay sa pagganap sa tungkulin ng mga pulis para maaresto si Sen. Bato, kaya huwag na silang magmatigas dahil hindi aatras ang kapulisan natin,” dagdag niya.

Pahayag ito ng Palasyo matapos umapela ang Senate minority bloc kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-ugnayan sa abogado ni Dela Rosa para sa mapayapang resolusyon at maiwasan ang pagkawala ng buhay.

“We respectfully appeal to the President and the concerned agencies to work with Senator Dela Rosa’s counsel toward a peaceful resolution,” panawagan ng grupong kaalyado ni Dela Rosa na pinamumunuan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Nagpahayag ng pagkakaisa ang minority bloc at sinabing nakahanda silang maging daan para sa pag-uusap.

“The (Senate) minority stands with our colleague and is ready to help facilitate that discussion, confident that our institutions can uphold the law, protect his rights, and pursue justice without needless loss of life,” ayon sa minority bloc.

Nanawagan din sila sa lahat na maging mahinahon at buksan ang komunikasyon.

“Secretary Remulla has expressed a preference for negotiations over an operation that could cost Filipino lives. We welcome that position. Walang Pilipinong dapat mamatay para lamang mapatunayan ng sinuman ang kanyang punto,” dagdag pa ng minority bloc. (Prince Golez)

The post Palasyo: Walang atrasan sa pagtugis kay Bato dela Rosa first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments