Lani Misalucha hospitalized for 18 days, husband Noli for 20 days

Hanggang ngayon ay naluluha pa rin ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha kapag binabalikan ang pagkaka-confine nila ng kanyang mister sa ospital dahil sa bacterial meningitis.

October 10, 2020 isinugod sa ospital si Lani dahil sa pananakit ng buong katawan.

Ang kanyang asawang si Noli Misalucha ay nauna sa kanya sa intensive care unit (ICU) ng isang araw.

Labingwalong araw namalagi sa ospital si Lani, habang ang kanyang mister ay nanatili roon ng dalawampung araw.

Nawalan daw sila ng pandinig dahil sa sakit na dumapo sa kanila.

Lahad ni Lani sa panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA-7 na umere kagabi, December 28, “Nung nasa ICU kami, as in bingi, both ears.

“Madidinig ko yung... actually I can hear some noise doon sa room sa ICU, pero I cannot make out the words na sinasalita ng mga tao.”

Malaki ang pasasalamat nilang mag-asawa dahil nalagpasan nila ang halos isang buwang pagsubok sa kanilang kalusugan.

Ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa raw nilang iniinda ang naging epekto ng karamdaman nila.

Saad ng The Clash judge, “Yung hilo talaga ang medyo nakaka-disable, yung paling ng kaliwa o kanan, pero nakakahilo.”

Pahirap daw ito lalo kay Lani na isang mang-aawit.

Aniya, “Mahirap ang pagkahilo at pagkabingi.

“It’s really devastating, you know, at parang, ‘Wow, this is my profession and then this happens.’

“It has been my love, and then I don’t know... Ang iniisip ko na lang, ‘Wow, is it going to be taken away from me?’”

GRATEFUL TO AI-AI, CHRISTIAN, POPS, WILLIE

Hindi man sinabi ni Lani, pero tiyak na malaking halaga ang ginastos nila sa ospital. Malaki kasi ang daily rate kapag nasa isang intensive care unit ang isang pasyente.

Sa kanilang panig, dalawa pa silang mag-asawa na na-confine sa ICU.

“Very, very grateful,” sabi niya tungkol sa pagtulong ng kapwa hurado sa The Clash na sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, at ang pansamantalang humalili sa kanya sa show na si Pops Fernandez.

Pati sa Wowowin: Tutok To Win host na tinawag pa niyang “Kuya Willie Revillame.”

Mensahe ni Lani, “So, nagpapasalamat talaga ako sa kanila, walang abug-abog na tumutulong sila sa akin.”

Sa ulat pa rin ng 24 Oras, sinabi ni Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination na maraming uri ng menigitis na, tulad ng COVID-19, maaaring makuha sa pamamagitan ng paglanghap o close contact.

Maaari raw itong maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Ang suspetsa ni Lani ay nakuha nila ang sakit sa pinuntahan nilang isang restaurant.

Sabi ng singer sa Cabinet Files noong December 17, "Ang suspetsa, may pinuntahan lang kami na isang restaurant, pero siyempre hindi ko naman sasabihin kung saan ‘yon.

"Saka na lang kung talagang may imbestigasyon na mangyari.

"Yun lang ‘yon. That’s the only thing na naalaala namin na lumabas kami sa restaurant, e, hindi naman kami kumakain ng baboy.

"Ang nakita sa blood namin, Swiss pork, blood meat na pork.

"Hindi masabi, ewan ko ba, parang natiyempuhan kami.

"Hindi masabi, baka nagkaroon ng cross-contamination."

[ArticleReco:{"articles":["155765","155759","155631","155396"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments