Sa gitna ng maiinit na isyung pampulitika sa bansa, isang nakatutuwang senaryo ang naging paksa sa pinakabagong episode ng Bilyonaryo News Channel program na “The Spokes”.
Biniro ng guest na si Atty. Ed Chico na sa lahat ng mga nagaganap na gulo sa politika, tila ang mambabatas na si Senador Lito Lapid lamang ang nananatiling kalmado.
Dahil dito, pabirong inihayag ni Chico ang kanyang imahinasyon kung sakaling siya ang magiging pangulo ng bansa.
“Naisip ko nga, kung ako naging presidente, kukunin ko si Lito Lapid na spokesperson,” ani Chico. “Maganda siyang spokesperson kasi ang maganda sa kanya, `pag press conference, hindi mo na kailangan magtanong kasi wala ka namang mapupulot.”
Agad namang sumakay sa biro ang isa sa mga host ng programa na si dating Pangasinan Rep. Nani Braganza.
Ayon kay Braganza, swak ang ganitong istilo upang maiwasan ang anumang kontrobersiya sa media.
“Less talk, less mistake. No talk, no mistake,” hirit ni Braganza.
Ipinakita rin ni Chico ang kanyang bersiyon kung paano sasagutin ni Lapid ang mga ibabato ng media, partikular na ang mga tsismis at isyu laban sa administrasyon.
“Ganito siya kapag tinanong siya, ‘Sir ano pong masasabi n’yo po sa mga kritisismo laban sa Pangulo?’ Eh andiyan na ‘yan. Hehe. Siguro okay na rin,” pabirong panggagaya ni Chico sa magiging tugon ng senador kung sakaling tatanungin ito ukol sa mga isyu sa pangulo.
“‘Eh sir may ginagawa ba ang pangulo?’ Eh feeling ko naman meron [ginagawa ang pangulo]… parang ganyan, hindi ba? Nakikita ko si Lito Lapid parang ganoon,” ani Chico. (Issa Santiago)
The post Abogado Ed Chico inokray si Lito Lapid na spokesperson ng Palasyo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments