Inihayag ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na umabot sa 15,000 empleyado ng mga kompanya ng bus ang nagutom nang mawalan ng biyahe o trabaho dahil sa COVID-19 pandemya.
Ayon kay PBOAP president Alex Yague, hanggang ngayon ramdam pa rin ng mga konduktor, ticket seller at janitor ang matinding epekto ng pandemya sa transportasyon dahil sa 10,000 bus unit na may prangkisa para makapasok sa Metro Manila, ay limang porsiyento pa lang umano ang pinapayagang mag-operate.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Yague na sinubukan nilang ipatupad ang pansamantalang lay-off subalit habang tumatagal ay napilitan na silang gawin ang optional retirement dahil sa mga community quarantine. (Dolly B. Cabreza)
The post 15K provincial bus employee nganga sa tigil pasada first appeared on Abante Tonite.
0 Comments