32 pasabog na tsika

NI: ARCHIE LIAO

Dahil 32 years na ang Abante Tonite, ihahatid namin sa inyo ang 32 kontrobersya na pinag-usapan at yumanig sa apat na sulok ng showbiz.

Ang mga babanggitin ko ay in random order at hindi base sa order ng kanilang importansya.

1.) Ang bangayan ng Barretto sisters. Sino ba naman ang makalilimot sa feud ng controversial sisters na parang teleseryeng sinubaybayan ng sambayanan ang kanilang saga.

2.) Ang hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson at ang pagkakasangkot ni Julia Barretto bilang third party sa kanilang breakup.

3.)Ang kontrobersyal na secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Giuidicelli kung saan umeksena si Mommy Divine at bodyguard ng Popstar Royalty

4.) Ang pagkaka-wow mali ni Steve Harvey sa pag-aanunsyo ng Ms.Universe noong 2015 kung saan nanalo si Pia Wurtzbach.

5.) Ang pambubugbog kay Vhong Navarro at ang pagkakasangkot sa kaso nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

6.) Ang controversial sex video nina Katrina Halili at Hayden Kho at ang pagkakatanggal ng lisensya ng celebrity doctor.

7.)Ang urban legend tungkol kay Alice Dixson at sa taong ahas sa isang mall

8.)Ang phenomenal love team ng AlDub, ang romansa ng KathNiel, LizQuen, JaDine at KimXi, DongYan at Catriona Gray at Sam Milby at ang mga hiwalayang Angel Locsin at Luis Manzano, Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, Jericho Rosales at Heart Evangelista, Claudine Barretto with Rico Yan and Raymart Santiago, Cesar Montano at Sunshine Cruz, Angelica Panganiban with Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz,James Yap at Kris Aquino.

9.) Ang pagkakasangkot nina Vic Sotto at Joey de Leon kay Pepsi Paloma.

10.) Ang ihian incident between Baron Geisler at indie actor Ping Medina

11.)Ang malagim na kaso ng pagpatay sa beteranang aktres na si Nida Blanca.

12.)Ang pagkandidato bilang Presidente at pagkamatay ni Fernando Poe, Jr.

13.) Ang pagkakadawit ni Nora Aunor sa isyu ng illegal na droga sa Estados Unidos at ang pagiging mailap ng National Artist recognition

sa kanya

14,) Ang pag-ober da bakod ni Angel Locsin sa ABS-CBN 2 bilang Primetime Queen noon ng GMA 7.

15,) Ang mahiwagang pagkamatay nina Julie Vega, Rico Yan at Alfie Anido

16,) Ang hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual

17.)Ang 1984 “Take it, Take It” MMFF scam sangkot sina Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion at talent manager Lolit Solis

18.) Ang rape ni Maggie dela Riva

19.)Ang kaso ng pagmamaltrato umano ni Maricel Soriano sa kanyang mga kasambahay

20.)Ang relasyon, kasalan at hiwalayan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

21.)Ang pagkakakulong ni Robin Padilla sa kasong illegal possession of firearms

22.) Ang love triangle nina Dolphy, Alma Moreno at ZsaZsa Padilla

23.) Ang affair ni Kris Aquino kay Phillip Salvador ,ang STD issue kay Joey Marquez at romansa kay Herbert Bautista

24.).Ang pagpapatiwakal ni Maria Theresa Carlson

25.)Si Willie Revillame at ang Wowowee stampede tragedy sa Ultra noong 2006

26.)Ang dyumbagan blues sa NAIA sangkot sina Raymart Santiago at Mon Tulfo

27.)Ang hiwalayang Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas dahil sa physical abuse

28.)Ang pagkakadawit nina Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa PDAF scam

29.)Ang pukpukan ng microphone issue nina Divina Valencia at talent manager Rey dela Cruz sa Rumors, Facts and Humor

30.)Ang pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada sa Malacanang

31.)Ang non-renewal ng prangkisa at pagsasara ng ABS-CBN

32.) Ang COVID-19 at ‘new normal’ sa showbiz

Sa okasyon ng ika-32 anibersaryo ng Abante Tonite, sa aming mga masugid na mambabasa, maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta at pagtangkilik.

The post 32 pasabog na tsika first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments