Hindi naisagawa ang plano ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) na sariling bubble training para sa mga pambansang atleta.

Hindi natuloy ang dapat sanang pagsisimula ng training bubble matapos maghintay ang pederasyon sa go signal mula PSC para sa mga dapat sundin na alituntunin sa kaligtasan at kalusugan.

Ang mga pambansang atleta ng Patafa ay dapat na pumasok sa isang bubble sa New Clark City Stadium sa Tarlac nitong Miyerkoles ngunit ang asosasyon ay hindi pa nabigyan permiso ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“We applied and submitted requirements last December,” sabi ni Patafa marketing head Edward Kho. “But step one [to getting an IATF permit] is an approval and endorsement from the PSC. But that’s still pending.” (Lito Oredo)

The post Athletics bubble training nganga first appeared on Abante Tonite.