Inihayag ng writer at Abante host na si Jerry Gracio na puwedeng tumakbong presidente sa 2028 si Vice Ganda.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Gracio ang umano’y mga katangian ni Vice kung bakit maaari itong kumandidato.
“Seryoso ako sa Vice Ganda for President, ha. Hindi siya corrupt, nakatapak ang paa niya sa lupa, alam niya ang likaw ng bituka ng masa dahil masa siya, hindi bahagi ng politikal na dinastiya, hindi politiko, hindi elite, hindi nakahulma sa lahat ng tradisyonal na politika na alam natin,” aniya.
Ikinuwento rin ni Gracio na nakausap niya si Vice, na hindi raw interesado sa kapangyarihan, dahilan para makumbinsi siya lalo.
“In fact, na-message ko na siya. “Hindi pa ako sapat,” sagot niya. Kaya lalo akong nakumbinsi na puwede siya. ‘Yun lang umaamin na hindi siya sapat ang may kasapatan na maglingkod sa bayan dahil hindi niya iisipin na siya lang ang magliligtas sa bayan.”
“Dapat ibinibigay ang kapangyarihan sa mga hindi interesado sa kapangyarihan. Gusto ninyo ng out of the box? Si Vice,” pagbibigay-diin pa ni Gracio. (Angelica Mallilin)
The post Vice Ganda inuudyukang tumakbong presidente sa 2028: ‘Hindi pa ako sapat’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments