Atom Araullo at Maki Pulido, papalit kay Jessica Soho sa State of The Nation

NOEL FERRER

It’s official!

May go signal na from a GMA boss para sabihin na, oo, ang talent kong si Atom Araullo at si Maki Pulido ang papalit kay Ma’am Jessica Soho sa award-winning late-night newscast sa GMA News TV na State Of The Nation.

Magsisimula sina Atom at Maki bilang news anchors ng State of The Nation sa Lunes, January 4, at 9:15 p.m.

Rumerelyobo si Atom sa GMA primetime newscast na 24 Oras, na ang news anchors ay sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, at Vicky Morales.  

For the past two weeks, Atom has been doing 24 Oras with Mike and Mel. 

Kahapon ay bumalik na si Vicky, pero mananatili pa rin si Atom hanggang mamaya.

Now that he has a regular newscast (na bago rito ay nasa pioneering digital newscast din siyang “Stand For Truth”), magandang abangan ang mga special reports na puwedeng i-file ni Atom para sa State Of The Nation. 

Bukod pa rito ang episodes na ginagawa ni Atom para sa docu shows na iWitness at The Atom Araullo Specials.

Now this is truly such great news sa pagsisimula ng taon! See you sa State Of The Nation!

GORGY RULA

Hudyat na kaya ito ng pagbabago sa career ni Jessica Soho?

Magbabawas na siya ng trabaho para less stress na rin.

Ilang beses ko ring nakakasabay noon si Ma'am Jessica sa acupuncture para mabawasan ang stress sa mga coverage niya.

Kailangan niyang alagaan ang kalusugan niya.

JERRY OLEA

Noon pa natin naulinigan na nag-resign si Ms. Jessica sa State of the Nation ng GMA News TV, effective end of 2020. Naipahiwatig natin iyon dito sa PEP Troika.

Mananatili pa rin ang respetadong broadcaster sa weekly program niyang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ngayong 2021 ay mas agresibo ang Kapuso Network, maging sa GMA News TV. Napakaraming bagong programa ang GMA Network na ipinasilip sa Kapuso Countdown to 2021.

Sa unang Lunes ng 2021 ay magbabalik na ang award-winning GMA Public Affairs shows sa Power Block, Lunes hanggang Huwebes ng 11:30 p.m. sa GMA.

Tuwing Lunes, tunghayan ang eye-opening documentaries sa Front Row. Maging alisto sa iba't ibang krimen at trahedya kasama si Arnold Clavio tuwing Martes sa programang Alisto.

Tuwing Miyerkules ay kilalanin ang iba't ibang Kapuso personalities at mga kababayang Pilipino sa Tunay na Buhay kasama si Pia Arcangel.

At sa Huwebes, makialam sa iba't ibang issue ng lipunan kasama sina Maki Pulido at Jun Veneracion sa Reporter's Notebook

Nito ring Enero 1, ini-announce ni Tita Malou Choa-Fagar sa Facebook na official na ang retirement niya sa Eat Bulaga/TAPE.

Nagbabadya rin ang pagbabago sa nasabing noontime show ng GMA.

Exciting ang patuloy na evolution ng local TV landscape!

[ArticleReco:{"articles":["155408","153900","153747","151401"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments