Nagpahayag ng suporta ang Malacañang sa balak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na lusawin na ang mga barya o gawing `coinless society’ na ang Pilipinas pagdating ng 2025.
“Napakadami na pong gumagamit ng cashless transactions at alam naman natin `yong paghawak ng pera isa po `yang napatunayang pamamaraan kung paano kumakalat ang COVID-19,” sabi ni Roque nitong Huwebes.
Sinuportahan din ni Roque ang plano ng BSP na 50% ng mga transaksyon ay digital na pagsapit ng 2023.
Una nang sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno noong Miyerkoles na inaasahan nilang magiging “cashless society” na ang Pilipinas pagsapit ng 2025 dahil sa National Quick Response (QR) Code Standard o QR PH para mapabilis ang mga contactless payment. (Prince Golez)
The post Barya lulusawin, papalitan ng QR Code first appeared on Abante Tonite.
0 Comments