Presyong kaibigan ang halaga ng mga COVID-19 bakuna na bibilhin ng gobyerno sa China, partikular sa Sinovac.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque upang kontrahin at pabulaanan ang kumakalat sa social media na ang Sinovac ang pinaka-mahal na bakuna.

“I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang Sinovac,” ani Roque. “Kung hindi ako nagkamali, pangatlong pinakamahal lang po ang Sinovac out of six brands — so it is in the mid-range.”

Sinabi pa nito na hindi kapitalistang bansa ang China kaya ang kanilang presyo ay hindi nakabatay sa market forces at maaari silang magtakda ng fixed price sa mga produkto. (Aileen Taliping)

The post Roque: China vaccine pang-BFF presyo first appeared on Abante Tonite.