Basketball player na kabilang sa mga naka-check in sa Room 2207, lumantad na

Isa ang basketball player na si Justin Rieta sa persons of interest sa Christine Dacera case na nagsadya sa National Bureau of Investigation (NBI) office sa Maynila kahapon, January 13.

Kabilang si Rieta sa mga bisita sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong January 1, 2021.

Kasama ni Rieta na nagtungo sa NBI office ang legal counsel nito.

Sa panayam sa kanya ng GMA News, sinabi ng basketball player na wala siyang nakitang kakaiba nang araw na mamatay si Dacera.

Handa rin siyang ibigay ang kooperasyon sa imbestigasyon ng kaso.

"Hindi ko po kilala yung kabilang room [Room 2209]. Wala po akong kilala sa kanila," pahayag ni Rieta.

Ang paglantad at pagsasalita ni Rieta ang dahilan kaya nadagdagan ang pagdududa sa kredibilidad nina Rommel Galido at Valentine Rosales dahil sa mga kuwento nila nang humarap sila sa media noong January 7, 2021.

Salaysay ni Galido, "Nung nagising ako to check my schedule, mga bandang 2:30 a.m., si Tin lumapit sa akin, then she grabbed my hand, and sabi niya sa akin, ‘Sis punta tayo sa kabila. Check natin kung merong straight guy doon.’

"Ako naman, sinamahan ko siya, 'tapos siguro mga five minutes, six minutes, bumalik din kami agad sa room."

Pinanindigan ni Galido na bakla ang lahat ng mga taong naka-check in sa Room 2207.

Pinatotohanan din ni Rosales sa pahayag nito ang obserbasyon ni Galido.

 "Napansin nga namin yung mga tao sa 2207, wala naman guwapo 'tapos mga matata… parang may age na. Bakla pero may mga edad na.

"Sabi ko, 'Doon na lang tayo sa kabila, wala naman pogi dito.'

"So, pumunta na kami pabalik sa room namin to welcome the new year," lahad ni Rosales tungkol sa paglipat nila ni Dacera sa kanilang kuwarto mula sa Room 2207.

Isang miyembro ng media ang nagtanong kay Rosales kung may nakilala ba silang basketball player.

Tanong ng male reporter: "Meron bang nagpakilala o may nakilala ba kayong basketball player sa 2207? Meron bang parang basketball player doon o nabalitaan niyo na basketball player pala yung isa sa kainuman doon?"

Sagot ni Rosales, "Wala po kasi akong kilala at alam ko matatandang bakla sila, wala akong… sorry, sorry sa term pero, yeah, there’s… we did not see any straight guys there."

Posibleng lango na sa alak si Rosales nang mangyari ang trahedya kaya hindi na niya matandaan ang buong insidente.

Ang paglantad ni Rieta at ang pag-amin nitong siya ang basketball player sa Room 2207 ang pruweba na mali ang salaysay ni Rosales.

May lamat na ang kredibilidad dahil sa pagbawi nila ng kanyang mga kasama sa kanilang mga naunang kuwento tungkol sa mga huling sandali ng buhay ni Dacera.

[ArticleReco:{"articles":["156096","156087","156085","156075"], "widget":"Related Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments