Claudine Barretto says sister Gretchen is done with showbiz

Ayon kay Claudine Barretto, ayaw nang mag-showbiz ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto.

Gusto na lamang daw nitong pagtuunan ng pansin ang pagnenegosyo.

Saad ni Claudine, “Ayaw na niyang mag-showbiz. Ayaw niya, very busy siya.

“Alam mo yung ate ko, businesswoman na siya.

“Ngayong umuwi na si Dominique, may ilang projects na pinagpaplanuhan niya."

Si Dominique ang nag-iisang anak ni Gretchen sa kanyang long-time partner na si Tonyboy Cojuangco.

Sabi pa ni Claudine tungkol sa kanyang Ate Gretchen, “She goes to work from one o’clock until eight o’ clock sa gabi. Nagtatrabaho talaga siya sa office.

“Yun na yung… nagpapaka-business-minded ang ate ko.

“Yung Okada, yung online gambling, siya lahat yun. Siya yung nakatutok talaga dun.”

Nakausap si Claudine ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa contract signing ng pelikulang gagawin niya sa Borracho Film Production at bilang endorser ng skin expert na si Cathy Valencia.

Ginanap ang contract signing sa Emar Suites, Mandaluyong City, noong January 25, 2021. 

Kahit singit lang daw na movie project, mukhang hindi na magagawa ni Gretchen.

Sabi ni Claudine, “Impossible. Impossible na yun. Hindi, hindi talaga possible.

"Pero sabi ko, 'Kung magka-YouTube channel ako, guest ka naman.' 'Oo naman.'"

Ayon pa kay Claudine, sobrang natuwa raw ang ate niya nang malaman nitong magkakapelikula na ulit siya at gagawa ng endorsement,

Saad ng dating tinaguriang Reyna Ng Mga Teleserye, "Nung sinabi ko pa lang sa kanya na meron akong movie, mangiyak-ngiyak na siya. 'Oh my God! I’m so happy.'

“'Tapos sinabi ko na yung Cathy nga, sabi niya, ‘You would need my bus!’ So, kailangan na talagang dalhin yung bus niya.

"Pag nag-shooting, I would need the bus. Baka ibigay na rin.

"Ayaw na niyang mag-showbiz, e. Very busy siya."

Pahapyaw ring nabanggit ang tungkol sa kaalitan niyang kapatid na si Marjorie Barretto. Inamin ni Claudine na hanggang ngayon ay hindi pa sila okey na dalawa.

WHAT HAPPENED TO HER VIVA CONTRACT?

Samantala, marami ang nagtatanong kung ano ang nangyari sa mga kontratang pinirmahan niya sa Viva Films at Star Cinema.

Noong 2009 ay pumirma ng kontrata sa Viva Films si Claudine, pagkatapos ng ilang taong pananatili sa Star Magic.

Bagamat maraming nakaplano para sa kanya, isang pelikula lamang ang nagawa ni Claudine sa Viva Films. Ito ay ang In You Eyes (20120), na co-produced ng GMA Films, at pinagbidahan din nina Anne Curtis at Richard Gutierrez.

Noong 2015 naman ay muling gumawa ng pelikula sa Star Cinema si Claudine, bilang bahagi ng ensemble cast ng Etiquette For Mistresses.

Noong 2019 ay napabalitang magkakaroon ng reunion movie sina Claudine at Piolo Pascual, na nagkapareha sa 2004 movie na Milan.

Pero dahil sa pandemya ay hindi pa natutuloy ang pelikulang ididirek sana ni Cathy Garcia-Molina.

Ayon sa aktres, “A, yung sa Viva, two years, two years.

“Kaya lang, one movie pa lang ang nagawa ko in six years na nandun ako with Viva.

“So I have to buy out my contract para maka-transfer ulit ako sa ABS.

“Ayaw akong ipahiram ng Viva sa movie namin ni Piolo.

“E, si Inang [Olive Lamasan] at si Cathy ang nakipag-usap sa akin. And the script was really, really go.

“Hindi siya ano ng Milan, hindi siya sequel, Florence lang talaga, and I want to use that chance.

“So, ayaw nila akong ipahiram sa Star Cinema, binuy-out ko na lang yung contract.

“Yung sa Star Magic, e, nangyari nga itong lockdown.”

Ngayon ay hawak ng AVL Talent Circuit ang pagpapatakbo ng karera ni Claudine.

[ArticleReco:{"articles":["156351","156349","156347","156335"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments