Divine Lee, naniniwalang may lapse of judgment sa birthday parties ng mga kaibigang sina Tim Yap at Raymond Gutierrez

Mga kaibigan ng socialite, television host, at influencer na si Divine Lee sina Tim Yap at Raymond Gutierrez.

Kapwa binabatikos ngayon ng netizens sina Raymond at Tim dahil sa magkahiwalay na birthday celebration ng dalawa.

Si Tim sa The Manor, Baguio City noong January 17, 2021; at si Raymond sa isang establishment sa Bonifacio Global City noong January 21.

Nag-viral ang mga larawan at video mula sa birthday celebration nina Tim at Raymond.

Ang hindi pagsusuot ng face mask at hindi pagsunod sa physical distancing ng ibang mga bisita—na parehong mahigpit na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF)—ang napansin at kinondena ng publiko.

Bunsod nito, pansamantalang ipinasara ang establisimyentong pinagdausan ng party ni Raymond, habang pinaiimbestigahan naman ang hotel kung saan ginanap ang birthday dinner ni Tim.

LAPSE OF JUDGMENT

Nabigyan ng pagkakataon ang entertainment press na makausap si Divine via Zoom dahil sa pagpirma niya ng management contract sa Viva Artists Agency kahapon, January 27.

Dito ay ikinuwento ni Divine na imbitado siya sa birthday celebration ni Tim sa Baguio City.

Aminado siya na noong una, hindi niya nakitang may mali at may lapse of judgment ang kanyang kaibigang eventologist.

Saad ni Divine, "They’re both close to me. I worked with Mond for Showbiz Police, ilang years din kami, and Tim is actually one of my best friends.

"I was actually invited to that Baguio party, but I have kids so I didn’t go.

"It’s sad that sometimes kasi parang hindi natin… ako, ha, putting it in a position na nagka-COVID ako, may mga bata na if they do get sick, they cannot tell me, kasi they’re kids.

"Hindi nga kaya ni Baz na magsalita ng A to Z, yung masabi pa niyang may loss of smell siya, di ba?"

Naranasan ni Divine na magkaroon ng COVID-19 noong July 2020.

Kaya maingat na maingat na siya para sa sarili at para sa lahat, lalung-lalo na sa kanyang mga maliliit na anak na sina Baz, 2, at Blanca, 1.

Labing-apat na araw na isolated si Divine sa kuwarto, samantalang na-confine sa ospital ang kanyang asawa na si Blake Go nang dapuan sila ng COVID-19.

Isa itong karanasang ayaw na niyang maulit.

Patuloy ni Divine, "You know, people are fatigued already with this lockdown.

"I totally understand, that’s why noong Spanish Flu after, it’s the roaring '20s, lahat nagwawala?

"I feel, like, everybody is at that point.

"But I also feel like, as influencer, there are people na maraming nakasunod sa kanila, they could have thought better.

"To be honest, I’m gonna be honest, at that point, when I was invited, hindi ko nakita yung mali dahil inisip ko, oo nga, naka-PCR naman.

"But then I realized, when people started calling it out, oo nga, yung may IATF, that it is wrong.

"And I feel, like, may lapse of judgment ako, and that probably also happened to them," pagtukoy niya kina Tim at Raymond.

"Dahil sa kanila, inisip nila, okay, safe na, kasi lahat naka-PCR. Hindi nila naisip na mas marami pang ibang issues involved about it.

"So, with what they’re getting on social media, para namang natuto na rin."

GOOD EXAMPLE AS INFLUENCERS

Malaking aral ang natutunan ni Divine nang magkaroon siya noon ng COVID-19, at bilang mga influencer, naniniwala siyang dapat maging mabuting halimbawa sila sa mga tagasubaybay nila.

Naniniwala rin si Divine na napagtanto na nina Tim at Raymond ang mga pagkakamali nila.

"I’m sure, they realized na, 'Oo nga, may mali.' I don’t think they’re also denying na meron silang mali.

"I believed that Tim already apologized also for his lapse of judgment.

"His main motive, when I was talking to him, was maayos naman—to promote local tourism.

"Pero yun nga lang, nakalimutan natin mag-mask. Nakalimutan natin ang social distancing .

"Yung pandemic kasi is something new to everyone so lahat tayo nangangapa. Sometimes we forget when we’re too safe.

"But being in the eye of COVID dati, parang parati akong ginigising ng konsensya ko na, 'Do you want to isolate again for 14 days? Do you want to worry about your husband again in the hospital?'

"I told Tim that. Ang sabi ko, it’s not a joke kahit na we were okay after, it’s really not a joke. My tita died of it. People die because of it.

"At least, we can restrict an extra precaution and show people. Kasi kung makita ng ibang tao, ‘O pwede na naman pala, e!’ Baka sila-sila, mag-party-party na rin.

"Let’s just try to set good example.

"It was a blunder and they apologized, and I hope they’re not… hindi sila ma-cancel culture, kasi yun nga ang uso ngayon."

[ArticleReco:{"articles":["156351","156349","156350","156347"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments