DA website tinira ng mga hacker

Inatake ng mga hacker ang website ng Department of Agriculture (DA) at ginamit ito para batikusin si Secretary William Dar sa problema ng bansa sa kakulangan ng pagkain at sumisirit na presyo ng baboy, manok, isda, at gulay.

“Agriculture Secretary William Dar: Magbitiw! Pabaya! Kapwa mo Pilipino ang pinapatay mo!” ang mensaheng iniwan ng grupong Phantom Troupe sa website ng DA.

Sabado ng gabi hinack ang website ng DA at hindi pa rin ito naayos as of press time. (Eileen Mencias)

The post DA website tinira ng mga hacker first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments