Obiena bumura ng PH rekord

Patuloy ang pagpataas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena ng kalidad ng pagsasanay at paghahanda sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa daratingna July.

Patunay sa maangas na pasimula sa taong 2021 sa pagtala ng bagong national indoor pole vault record kahit pumanlima lang puwesto sa 2021 Karlsruhe Indoor Meeting nitong Sabado ng hapon sa Germany.

Tagumpay niyang nilundag at natawid ang bar sa taas na 5.62 meteres na tumakip sa sarili niyang PH mark na 5.43m na tinala niya noong Pebrero 4, 2017 sa 18th International Pole Vault Meeting sa Potsdam, Germany rin

“It is a good start in building momentum for the Summer Games this July,” reaksiyon Linggi ni Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Ella Juico. (Lito Oredo)

The post Obiena bumura ng PH rekord first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments