Digong wawalisin maiingay na motorsiklo

Ipagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga maiingay na motorsiklo sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito’y matapos mabulabog ang kanyang talumpati sa harurot na tunog ng motorsiklo sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 project sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ng Pangulo na isang uri ng polusyon ang ingay ng humaharurot na mga sasakyan kaya maglalabas siya ng direktiba sa mga susunod na araw.

“Walanghiya, iyan ang ayaw ko. Pollution is really very, very present in our lives and it is really considered a pollution and is hazard to the health of the people,” anang Pangulo.

Ginawang halimbawa nito sa Davao City na wala aniyang maririnig na maingay na motorsiklo dahil sinisita at pinaaalis niya ang mga maiingay na tambutso ng mga ito. (Aileen Taliping)

The post Digong wawalisin maiingay na motorsiklo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments