Magsasampa ng cyber libel case ang rock icon na si Dong Abay laban sa mga nag-akusa sa kanya na kasama sa nangyaring riot sa Capitol Hill sa Washington kamakailan.
Sa Facebook post, sinabi ni Abay na kakasuhan niya ang isang Rodel Rodis at Gemma Nemenzo.
“This is to inform the public that I’m pursuing a cyber libel case to be administered by a U.S. lawyer against Gemma Nemenzo and Rodel Rodis for spreading fake news,” ani Abay.
Si Rodis, na batay sa kanyang Facebook profile ay nagtatrabaho sa isang law office sa San Francisco, California, ang nag-tag kay Abay na siya raw supporter ni outgoing US President Donald Trump na nakamaskara at may hawak ng walis tambo sa riot.
Ayon kay Rodis, nakuha niya ang impormasyon sa isang Gemma Nemenzo.
Ilang kaibigan niya ang nagpatunay na nasa Pilipinas si Abay noong panahon na iyon at nasa isang gig sa local radio station.
May hirit pa si Abay sa mga nagkaladkad sa kanya sa isyu: “I don’t fucking care if you’re an immigration lawyer or a privileged Filipino-American because I’m a rockstar. #boomer #boomerang.” (IS)
The post Dong Abay dawit sa US riot first appeared on Abante Tonite.
0 Comments