Female personality sinabon ng direktor

Walang sinisino ang isang magaling na direktor kapag trabaho na niya ang naapektuhan.

Talagang kinakastigo niya ang mga artista anuman ang estado ng karera.

Sikat man o nag-uumpisa pa lang ay siguradong makakatikim kay directed by. Ayaw na ayaw niya sa nale-late sa trabaho, lalo na kapag mga beteranong artista ang pinaghihintay, talak ang aabutin nila.

Nagsisimula nang maging problema nu’n ng produksiyon ang isang pamosong female personality. ‘Yun ang dahilan kung bakit ito binitiwan ng kanyang network.

Kuwento ng aming source, “Hindi puwede kay direk ang mga kapritso niya, kung napalalampas siya sa pinagmulan niyang istasyon, hindi ‘yun puwede kay direk!

“Nu’ng unang nagpahintay ng kanyang mga co-stars ang female personality, e, nalaman ‘yun agad ni direk, pero pinagbigyan siya. Kaso, nawili ang girl, kaya ‘yun na!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Malapit lang ang location ng trabaho ng female personality, pero parang manggagaling pa ito sa malayong probinsiya kung umasta, late na naman ang female personality.

Kuwento uli ng aming source, “Natural, awang-awa na si direk sa mga production people na tawag nang tawag sa palaging late na babae, pero hindi man lang sumasagot.

“Sinisekreto man ng staff ‘yun, e, nakarating pa rin kay direk, kaya nu’ng dumating na sa wakas ang female personality, e, inagaw ni direk ang megaphone sa isang staff!

“Naloka ang female personality, kasi nga, buong-ningning na isinigaw ni direk with matching megaphone, ‘Huwag mo kaming pinaghihintay! Huwag mong inaabala ang trabaho ng lahat! Kaya ka nalaos, e, diva-divahan ka kasi!’

“Hindi lang ang girl ang nagulantang, lahat ng nasa set, e, gusto nang magtago sa sobrang pagkagulat, namula ang buong mukha ng girl!

“Mula nu’n, maaga na siyang dumarating sa set, ayaw na niyang mabulyawan pa ni direk, nagkaroon ng leksiyon ang female personality na malapit nang hampasin ng bareta ng sabon ni direk!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Ara nag-sorry sa ‘panunulot’ ng dyowa

Masalimuot na ang mga kuwento ng lovelife ni Ara Mina. Unti-unti nang naglalabasan ang istorya ng sulutan na sinasabing naganap kaya naging magkarelasyon sila ni Dave Almarinez.

Maraming nakakaalam ng kuwento, diumano’y kinaibigan ni Ara ang totoong karelasyon ng businessman, hanggang sa maging sila na nga.

Isang source ang nagkuwento na kapapanganak lang nu’n ng karelasyon ng negosyante nang maganap ang komprontasyon. Umiiyak ang babae sa pagsita kay Ara, walang nagawa ang aktres kundi ang umiyak lang nang umiyak sa kanyang pagso-sorry, may ganu’n palang senaryo.

Dagdag na impormasyon pa ng source, “Kinaibigan ni Ara si ____(pangalan ng kasalukuyang karelasyon ni Dave nu’ng mga panahong ‘yun), magkasama sila sa isang party nu’ng madiskubre ng girl ang relasyon nila.

“Ikakasal na sila ni Dave nu’n, kapapanganak lang ng girl. Iba ang name na ginamit ng guy nu’ng mag-text kay Ara, nakita lang nu’ng girl na may nangyayaring milagro, dahil lumabas ang picture ng guy.

“Through Viber kasi nag-message ang guy kay Ara. ‘Yun na! Sa confrontation, e, sinabi ng girl kay Ara, ‘Kapapanganak ko lang, paano mo nagawa sa akin ito?’ Iyak lang nang iyak si Ara,” kuwento pa ng aming kausap.

Naguguluhan ang marami ngayon sa ginanap na proposal ng businessman kay Ara. Harinawang sa kasalan na nga ‘yun mauuwi, wala na sanang maging problema, dahil sa mga istoryang naglalabasan ngayon tungkol sa maligalig na lovelife ng lalaki.

The post Female personality sinabon ng direktor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments