Gumagawa ng ingay sa freestyle basketball ngayon sa Malaysia ang 25-year-old Filipino-Malaysian na si Scalia Nethanial.

Sa report ng ilang online, ibinahagi ni Nethanial ang kanyang kwento sa pagiging freestyle baller na nagpasikat sa kanya sa Kuala Lumpur.

“I was actually a dancer, and then I wanted to play basketball as well. That was how I combined and it became freestyle basketball,” lahad ni Nethanial na may inang Pilipina mula Pangasinan at ama na Malaysian.

Kwento pa niya, “A lot of people think na I don’t play regular basketball kasi my freestyle career has overshadowed my basketball life, pero I actually play basketball, like I can actually play well. It’s just that my career is a freestyler now.”

Sa nasabing bansa, nakapagbagahe na ng limang kampeonato sa freestyle basketball si Nethanial at kinikilala ring numero unong freestyler sa lugar.

Makikita ang mga kamangha-mangha niyang talent sa kanyang Instagram account. (JAT)

The post Fil-Malaysian sikat na freestyle baller first appeared on Abante Tonite.