Pinanindigan na talaga ng Popstar Royalty ang pagiging misis. Marami na siyang natutunan sa pagsasama nila bilang mag-asawa ni Matteo Guidicelli.
Maasikaso si Sarah sa mister niya dahil kung may oras siya mismo ang naglilinis, nagluluto.
“Puwedeng-puwede na po akong mamasukan dito,” biro niya sa vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo.
Na-master na niya ang magplantsa, maglaba, maglinis, magpaligo ng aso atbp.
Enjoy rin daw siyang nasa kusina dahil sa pagluluto at pagbi-bake. Nagi-experiement din siya ng mga bagong recipe.
Bongga!
The post Sarah keri mamasukan na kasambahay first appeared on Abante Tonite.
0 Comments