GORGY RULA
Ngayong Enero 11, Lunes, ay nasa Spotify, Apple Music, YouTube Music at sa iba pang digital stores worldwide ang bagong single ng The Clash alumnus na si Garrett Bolden, ang "Our Love."
Espesyal kay Garrett ang kantang ito, na siya rin ang nagsulat, dahil nagawa niya ito noong nagsimula ang pandemic at naka-quarantine tayong lahat.
Matinding lungkot ang nararamdaman niya noong mga araw na iyon dahil natigil ang trabaho, hindi siya makauwi sa pamilya niya sa Olongapo.
At ang masaklap pa rito, hindi rin siya nakalipad pa-Amerika para puntahan ang kanyang ama na namayapa bago nagsimula ang pandemic.
“Naisip ko kasi… siyempre walang work," sabi ni Garrett.
"I felt na parang stagnant yung career ko. Stagnant yung activities o projects na gagawin ko.
"So, 'yon yung time na naging creative ako. I wrote a song.
"At that time, halo-halo yung emotions ko. Pero more on na-sad ako, siyempre, pandemic.
“Nag-flashback lahat na mga expriences ko… pero nangingibabaw talaga yung feeling ko na I was looking for my dad.
"Kasi, that time, before pandemic, I was supposed to see him, kasi he passed away that time.
“Kaya siguro napuno ako ng lungkot at regret na hindi ako nakapunta. Even noong nawala siya, hindi pa rin ako nakapunta,” pahayag ni Garrett sa virtual mediacon niya noong Biyernes, Enero 8.
Nadalaw na noon ni Garrett sa Amerika ang tatay niya at tanggap siya pati ng bagong pamilya nito. Kaya nalulungkot siyang hindi niya nakita ito uli.
Isa ito sa pinaghugutan ni Garrett nang ginawa niya ang kantang "Our Love."
[instagram:https://ift.tt/3seMmLB]
Samantala, proud si Garrett sa bagong champion ng The Clash (Season 3) na si Jessica Villarubin.
Pero aminado si Garrett na nakakaramdam siya ng takot tuwing magsisimula ang bagong season ng The Clash dahil may bago na namang tuklas na ipkiakilala ng GMA-7. Kagaya ngayon, ikinakasa na ang Season 4 ng The Clash.
“Aminin ko po sa inyo na everytime po na may in-announce na bagong season, lagi po akong kinakabahan.
"Feeling ko, every time na alam mo na may mga bagong singers, tapos na kayo, papalitan ka na.
"Ganun! Lagi po yun.
“Minsan nga po, alam mong parang hesitant pa ako, pero na-overcome ko naman po, kasi iba-iba naman po kaming lahat as a singer.
“Iba-iba naman po kaming iki-cater sa mga Kapuso,” pakli niya.
Si Garrett ay pinarangalan ng People’s Choice Award bilang Favorite New Male Artist sa katatapos lang na Awit Awards 2020 at Outstanding Achiever in the Music Industry ng Philippine Top Choice for Excellence noong nakaraang taon.
NOEL FERRER
Very real ang concerns ng singing contest winners and finalists, ha, na every time may bagong season ng kanilang sinalihang palabas, magtatanong ka nga: paano na kayo mabibigayan ng break, e, may bagong batch na namang parating?
Tama yung ginawa ni Garrett, sumulat siya ng sariling kanta at i-release din niya at talagang magsumigasig sa pagpo-promote nito.
Ang tanong, paano na kaya ang gigs nila ngayong wala pa masyadong live events? Paano kaya nakakaahon ang singers/performers ngayong patagal nang patagal pa ang pandemya?
Magandang malaman kung ano ang ayuda sa kanila ng kanilang mother station. And pushing it further, aside from kabuhayan, kasama ba sila sa planong roll out ng bakuna if ever?
Magandang malaman ang mga sagot diyan, lalo pa’t sinasalo na rin ng private sector ang ilang responsibilidad ng gobyerno, di ba?
JERRY OLEA
Kailangang maging masipag at masigasig ang mga chuwariwap upang mai-promote ang single at mga project ni Garrett.
Aba! Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, panay-panay ang pagtu-tweet para mabenta ang tickets sa Valentine concert niyang Freedom.
“Mga Nini madami ba kayong kinain ng pasko at bagong taon???? Aba mag balik alindog na tayo!!! Wag na muna kumain para may pangbili ng patikech ng #Freedome o diba naka nood ka na ang payat mo pa!!!! You’re welcome”
“O mga beks ano na nangyari kagabi??? Hinimatay na ko, nagetchung na ba mga patikech??”
“O mga adik ramdam ko marami pang walang patikech ha. Gora na sa Ktx.ph para gumetching patikech. Budol is real #freedome”
Aba! Naubos agad ang VIP tickets (P2,500 ang halaga) sa unang digital concert ni Regine ngayong 2021.
Nakabenta agad ng P500k na halaga ng tickets 10 minuto lang matapos buksan ang pagbebenta nito noong Enero 8, Biyernes.
Umabot sa mahigit P1M ang nabenta in less than 12 hours.
Tweet ng Asia’s Songbird: “O mga bakla magbubukas daw ng additional VIP tix bilang mga adik daw kayo!!!! #freedome”
Nagdagdag ng 100 VIP slots para sa fans. Pero pwede pa ring makabili ng access pass sa halagang P1,200.
Kakaibang concert experience ang Freedom na puno ng musika at mga sorpresang bisita. Mapapanood ang concert worldwide sa digital platform na KTX.
Tweets pa ni Ate Reg, “Sabi pala ni Kukay online cansern to ha hindi kayo lalabas ng balur nyo. Ako lang ang lalabas kasi nasa cansern studio kami with palive band and back ups. Full production itey mga baklurs!!! see you guys #Freedom”
“Good morning mga #kafreedom gising na ba kayo? Marami pang tiketching!!!! Kaya gumora na kayo at gumetching na ng tiketching NOWetchig naaaach!!!!!!” Budol is indeed real!
[ArticleReco:{"articles":["156023","156026","156017","156007"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments