Bilang pagsunod sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC), hinarang ng dalawang internet service provider (ISP) sa bansa ang libu-libong website na nagpapalabas ng sexual abuse at pagsasamantala sa mga bata.
Napaulat na 2,521 website na ang hinarang ng Globe habang 3,011 site naman ang sa PLDT-Smart.
Ayon kay Globe chief information security officer Anton Bonifacio, napakalimitado lang ng content-based filtering at hindi magagawa ng tanging mga ISP ang pagkontrol sa mga iligal na content online.
“The only way to curb this content at these types of platforms is for the government to also pressure social media platforms or content providers to stop delivering this type of content to consumers,” aniya pa. (SDC)
The post Higit 5K porn site sa ‘Pinas hinarang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments