“Wala ng sisirain, dahil nasira ng lahat!”
Ito ang naging tugon sa inyong lingkod ni GinoongRuelli Rapsing, hepe ng Cagayan PDDRMO saprogramang Walang Atrasan ng DWAR AbanteRadyo noong nakaraang Biyernes.
Dahil sa magkakasunod ng bagyong tumama sa Luzon, ang kasiraan sa agrikultura ay talagangnamang makaka-apekto sa suplay ng pagkain lalona sa halaga nito.
Maliban pa sa pinsalang dulot sa imprastruktura at ari-arian ng mga nasalanta ang ‘trauma’ nanaranasan ng mga kababayan natin nanaapektuhan na sobrang lakas ng ulan at hanginay hindi matatawaran.
Ang mga tulay, gusali, lansangan at ibang pang struktura na sinira ng mga nagdaang kalamidad ay maitatayong muli na para bang walang nangyari, subalit ang ‘traumatic experience’ ng mga biktimalalo na ng mga bata at may mga ‘medical condition’ ay dadalhin ng mga ito habangnabubuhay.
Hindi biro para sa mga nasalanta ng ulan, malakasna hangin at baha. Iba’t-iba man ang karanasanng mga ito, biktima sila ng pagbabago ng panahonna ayon na mismo sa Pangulong Bongbong Marcos Jr, ang ‘climate change’ ang kalaban ng kasalukuyang panahon.
Ang pondo ng bayan ay agad nauubos dahil samga gastusin resulta ng kalamidad.
Ayon nga sa Department of Budget Management (DBM) ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan may kinalaman sa rescue, relief at rehabilitation efforts ay nag-request na ng ‘replenishment’ ng kanilang pondo, dahil kung hindi man ubos na ay kakaunti na lamang angkanilang mga tinatawag na ‘Quick Response Fund ‘ o QRF.
Ang mga lalawigang pinadapa ng kalamidad ay isinailalim na sa ‘state of calamity’ kaya namanang mga ‘calamity fund’ ng mga ito ay agad ng magagamit yan ay kung may natitira pa.
Nakatututok ang mga otoridad ngayon kungpapaano maihahanda an gating mga kababayan nanasa lugar na tatahakin ng bagyong Pepito. Pinadapa na ng mga naunang bagyo ang mgalugar na tinutumbok ni Pepito kaya naman walangtigil ang mga otoridad sa pagpapaalala ng maginghanda ang lahat.
Harinawa, na hindi na manalasa pa ng husto angbagyong si Pepito. Harinawa, si Pepito na ang huliat sana pagkatapos ng mga unos na ito ay walatayong marinig o mabalitaan na may nagsamantalasa pondo ng bayan na nauukol para sa mgabiktima kalamidad.
The post Sira ng lahat! first appeared on Abante Tonite.
0 Comments