Hyun Bin, Gong Yoo panis kay Lee Min Ho

Sa kasagsagan ng pandemic dulot ng COVID-19, walang-duda na mas lalo pang lumakas ang mga Korean contents internationally. At ini-acknowledge nga ito ng South Korea Ministry of Culture, Sports and Tourism at ang Korean Foundation for International Culture Exchange.

Nag-release ang KFICE ng 2021 Overseas Hallyu o Korean Wave survey. May 18 bansa na naging respondents kabilang ang United States, China, Japan at iba pa. Ilan sa mga topic ng survey ay tungkol sa Korean culture, kabilang na ang mga Korean drama, Korean films at K-pop music. Through online ang survey mula September hanggang November 2020.

Sa mga Korean singers, ang nag-top ay ang mga idols pa rin. Una pa rin ang grupong BTS, sumunod ang Blackpink. Hindi pa rin nawawala ang popularidad ni Psy sa international fans dahil pangatlo siya .Pang-apat at pang-lima naman ang Twice at EXO.

Iba pa rin talaga ang hatak ng South Korean actor na si Lee Min Ho pagdating sa popularidad niya internationally. Siya ang nag-top among the favorite actors sa Korea, sumunod si Hyun Bin. Pangatlo si Gong Yoo.

Bukod tanging si Song Hye Kyo ang pumasok na Korean actress sa mga Top 5 Fave actors, followed by Lee Jong Suk.

Ang mga drama na Crash Landing On You, It’s Okay to Not Be Okay, The World of the Married, Itaewon Class at Kingdom ang mga nag-top bilang naging maingay at sinubaybayan internationally last year.

Napag-alaman din sa ginawang survey na ang mga Korean drama talaga ang nag-shine last year .Mas maraming nanood at tumangkilik sa panahon ng pandemic. Pumangalawa ang mga Korean beauty products, Korean fashion at Korean variety shows.

The post Hyun Bin, Gong Yoo panis kay Lee Min Ho first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments