Jaclyn Jose happy about positive changes in daughter Andi Eigenmann

Sa pagkakaalam ng veteran actress na si Jaclyn Jose ay sa 2022 magaganap ang kasal ng kanyang anak na si Andi Eigenmann sa professional surfer na si Philmar Alipayo.

“Next year ang kasal and I'm pretty sure in Siargao.

“And since may pandemic pa, tapusin muna ‘yan. Everything will ano sa pandemic nakasalalay ang binyag, ang lahat,” sabi ni Jaclyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Anak Ng Macho Dancer noong January 21.

Marami ang natutuwa na mukhang natagpuan na ni Andi ang tunay na kaligayahan sa piling ng pamilya na binuo nila ni Philmar. Sang-ayon naman dito si Jaclyn.

Saad niya, “They are genuinely happy, they're just living their lives to the fullest.

“Ayaw nila ng negative, they don't watch news, they don't watch things that will make them think.

“Ako na ang bahala dun, kumbaga ako na ang magbabalita. ‘Hey, we need to ganyan,’ and they will follow.

“Pero I am sparing them from knowing things around them, plus the fact that Andi doesn't like negative things.”

Masayang-masaya si Jaclyn sa mga nakita niyang pagbabago sa anak mula nang magkaroon ito ng sariling pamilya.

“Sobrang positive in life. Walang qualms, everything is beautiful.

“Sasabihin ko, ‘Anak, alam mo ba yung ganito?’ ‘Nanay, no, di ko alam at wala akong balak alamin. Mag-aalaga pa ako ng baby.’

“Naka-focus talaga siya in taking care of their family.”

Wala na bang balak bumalik sa showbiz si Andi?

Ayon kay Jaclyn, “Parang wala na muna ngayon.

“Bago siya nag-announce na she was pregnant, may indie siya na pumasok. Ang gaganda pa rin ng mga indie na pumapasok sa kanya.

“Sabi lang niya, ‘Nay, pag kaya ko na.’ Ang gusto lang niyang gawin, indie.

“Ayaw na niya ng soap, ayaw na niya ng things that will take her time.”

GRANDMA JACLYN

Kasisilang lang ni Andi ng pangalawang anak nila ni Philmar noong January 17.

Ang panganay nina Andi at Philmar na si Lilo ay magtu-two years old pa lamang sa July 23.

Si Andi ay may anak din sa dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito, ang nine-year-old na si Ellie.

[instagram:https://ift.tt/3otE8w7]

Kumusta ang bagong silang na apo ni Jaclyn na si Koa?

“Good, very good,” sambit ng Cannes-winning actress.

“I was just there kila Andi while taking care of Lilo, habang si Philmar, si Andi nanganganak sa hospital.

“He's only three-day-old, guwapo, mestizo. Iba-iba ang beauty. 

“Kauuwi ko lang din. Happy, happy ako kasi healthy si Andi saka yung baby.”

Pagmamalaki ng aktres, sa tingin niya ay kamukha niya ang tatlong apo na sila Ellie, Lilo, at Koa.

“Silang lahat sa akin. I see me to Ellie, at times to Andi. Sa kanilang lahat.”

Bilang isang lola na laging excited sa mga apo, dobleng ingat si Jaclyn sa pagharap sa mga ito lalo na kapag galing siya ng trabaho.

“As much as possible, stay home lang talaga ang gamot diyan.

“Pag nagtatrabaho ako, I don't go to them, two weeks akong home quarantine.

“Heto, nakikita niyo, ang laki-laki ng alcohol ko, spray ako nang spray every time. Sabi nga, prevention is better than cure.

“Kasi mayroon tayong two-day old na baby ‘tapos pupunta ako sa kanila, magdadala tayo ng food para lumakas si Andi. Mga malunggay, mga healthy food ba. Sabaw… may mga requests siya.

“So, ayaw natin na magpupunta tayo na magdudulot pa tayo ng ano sa mga bata."

Ayon din kay Jaclyn, kasalukuyang nasa Manila sina Andi dahil dito ito nanganak pero babalik din sila sa Siargao.

“Paalis sila ng February going back to Siargao.

“I'm so happy, three days sila sa hospital, pag-uwi niya, as if nothing happened. She is so strong, strongest woman aside from me.

“Tapos na rin ang bahay nila dun [Siargao]. Nagpapa-ship na sila ng mga things, I think complete na.”

JACLYN TO AUDITION FOR SPIDER-MAN 3

Isa si Jaclyn sa mga artistang sunud-sunod ang trabaho sa kabila ng pandemiya.

Kabilang sa nagawa niya ay ang pelikulang Anak Ng Macho Dancer, na sequel ng pelikulang Macho Dancer (1988) ng namayapang si Direk Lino Brocka at pinagbidahan ni Allan Paule.

Ang sequel ay iprinodyus naman ng Godfather Productions ni Joed Serrano sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan. Bida rito ang baguhang si Sean de Guzman.

Sabi ni Jaclyn, “Suwerte, suwerte kasi may mga trabaho pa ring pumapasok sa panahon ng pandemic.

“Kailangan pa rin nating mag-ipon at manalangin na huwag magkasakit at tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga pelikula.”

Sa Anak Ng Macho Dancer ay gagampanan pa rin ni Jaclyn ang role bilang Bambi.

“You know, si Bambi, the whole character, siyempre nag-mature siya, maraming pinagdaanan sa buhay. Makikita ninyo naman sa pelikula.

“Sana mapanood ninyo talaga lalo na yung mga nakapanood ng Macho 1. I think there's an app, hanapin niyo na lang, nandun yung Macho Dancer, pagkatapos panoorin ninyo ito para mas maintindihan ninyo.

“Pero kung hindi man, okay lang, kahit ito lang panoorin nila. Pero malaki ang maitutulong kung papanoorin ninyo ang original.”

Bumalik daw sa alaala niya ang original Macho Dancer.

“Sobra, bumalik ako sa 33 years ago, lalo na my first scene with Sean. Si Allan talaga ang nakita ko, parang may nag-spark na.”

Bukod sa Anak Ng Macho Dancer ay parte rin si Jaclyn ng pelikulang Kontrabida, na produced din ng Godfather Productions sa ilalim naman ng direksyon ni Direk Adolf Alix.

Masugid na tagahanga ni Nora Aunor ang role ni Jaclyn sa pelikula.

“It's always nice to work with people like Ate Guy or Joel Lamangan. First ko sa kanila was Flor Contemplacion.

“Palaging masaya, nakakatakot, nakakanerbiyos, at wonderful to work with Ate Guy, Ate Vi [Vilma Santos], Direk Joel. It's always a pleasure.”

Binanggit din ni Jaclyn ang intensiyon niyang mag-audition para sa role ng Pinay na lola ni Jacob Batalon sa Marvel movie na Spider-Man.

"I already told Perry to give it a try, why not di ba? Sabi ko kay Perry, submit a resume, give it a try.

“Two sequences won't harm me if ever. Game ako dun.”

Si Perry Lansigan ang manager ni Jaclyn.

[ArticleReco:{"articles":["156378","156366","156360","156352"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments