James gaya kay Jordan: Bibili rin ng team

May bagong ambisyon si National Basketball Association (NBA) star LeBron James, mukhang gusto na ring maging owner ng isang professional basketball team.

Gusto ng Los Angele Lakers player na bilhin ang Womens National Basketball Association (WNBA) team Atlanta Dream. Co-owner ng team si Georgia Senator Kelly Loeffler.

“Think I’m gonna put together an ownership group for The Dream. Who’s in?” tweet ni LeBron nitong Miyerkoles, sinamahan ang post ng black-and-white photo ng team.

Marami-raming projects na rin ang sinimulan at isinulong ng 36-year-old, 6-foot-9 forward.

Kabilang dito ang I Promise School niya sa Akron, Ohio para sa underprivileged children.

Siya rin ang pasimuno ng More Than A Vote initiative na humikayat sa mga taong bumoto noong nakaraang November presidential elections sa US.

Aktibo rin si James sa Black Lives Matter movement.

Malakas ang impluwensiya niya sa loob at labas ng court. Isa siya sa mga kritiko ni outgoing President Donald Trump.

Sa pagbabalak na maging owner ng WNBA team, susundan ni LeBron ang yapak ng kaagawan niya sa GOAT debate na si Michael Jordan, may-ari ng Charlotte Hornets sa NBA. (Vladi Eduarte)

The post James gaya kay Jordan: Bibili rin ng team first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments