NI: RODEL FERNANDO

Si Jojo Mendrez na ang magre-revive ng awiting “Somewhere in My Past” na pinasikat ng yumaong aktres na si Julie Vega. Matatandaang dumaan pa sa audition si Jojo sa may-ari ng kanta na si Mon del Rosario na isang premyadong kompositor.

“Sobrang saya ko talaga. Ang kantang pinapanood ko lang dati habang kinakanta ni Jullie Vega (Somewhere in my Past) sa TV program ni Kuya Germs tapos ako pala ang magre-remake sa panahon ngayon,” masayang pahayag ng tinaguriang Revival King.

“Hindi ako nag-expect dahil ayokong masaktan. Ang sa akin lang eh nag-audition ako at kinanta ko ‘yung song sa estilo ko,” dagdag pa niya.

Ibinida rin ng singer na nagsimula na ang preparasyon para sa recording niya sa naturang kanta.

“I think nag-start nang gawin ni Mon del Rosario ang bagong song arrangement kaya super excited ako. Hindi ko talaga inaasahan na ako ang makukuha sa dami ng mga pinagpilian.

” Sobrang pasasalamat ko sa Diyos at sa mga taong naniniwala sa akin. Hindi ako nangangako pero gagawin ko ang makakaya ko para hindi ako mapapahiya lalo na sa mga nagmamahal kay Julie Vega,” lahad pa ni Jojo.

The post Jojo Mendrez ‘di mapapahiya kay Julie Vega first appeared on Abante Tonite.